Gabriel Hernandez's POV:
Ilang araw akong 'di pinapansin ni Jake, halos aabot na ng dalawang linggo. Umiiwas sya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari?
Magdadalawang linggo na ang nakakalipas nang gawin niya sa akin yun.
Nung una galit yung nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung bakit ngayon hindi ko na yon maramdaman sa kanya.
Nasabi kasi sa akin ni Nanay Inday na mabait daw talaga si Jake sapul ng isilang siya. Suplado lang daw talaga at maagang nabanat ang katawan sa work out at training dahil siya nga ang heir ng Fuentabella's at ng La'Familia.
Sinabi din ni Nanay Inday na nagbago lang ang ugali nya simula ng mamatay ang Mama at Papa niya. Kaya mas pinili kong intindihin siya ngayon.
Kung siguro sa akin din mangyayari yun, baka nga hindi lang pagbabago ng ugali ang mangyari sa akin.
Magulang nalang ang tanging meron si Jake pero kinuha pa sa kanya ito.
Tahimik lang sya pag naandito sa bahay niya. Madalas siya umalis at pagbalik deretcho sa kwarto niya.
Habang nag iisip biglang bumaligtad ang sikmura ko kaya naman dali dali akong nanakbo sa lababo.
Parang kanina lang nahihilo hilo din ako.
Binalewala ko nalang. Baka may nakain lang akong kakaiba.
Biglang may humatak sa akin at nagulat ako dahil si Jake pala.
"Linisin mo yung garden at mga kwarto. Hindi mo ba ginagawa lahat ng trabaho mo ha?! Hindi porket hindi kita inuutusan hindi kana kikilos!" Sigaw niya sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong umiyak.
Nakita ko namang nagulat siya.
"B-Bakit ka umiiyak?!" Gulat nyang tanong.
Umiling lang ako. Kahit ako hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako umiiyak kahit pinahihirapan nya ko.
Umalis na ko sa harap nya at sinunod lahat ng utos niya. Hindi naman na sya nagsalita pag talikod ko.
Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako at 'di pa nangangalahati yung ginagawa ko.
Pagkatapos ko maglinis ng garden ay pumunta na 'ko sa mga kwarto at naglinis.
Umiikot ata paningin ko at parang nalulula ako. Dali dali akong bumaba ng hagdan kahit sobra na yung hilo ko.
Mabilis na nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na naabot pa ang huling hakbang sa hagdan at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako na nakahiga sa sofa sa salas. Bumangon ako at nakita kong nakaupo si Jake sa tapat ko at sila Nanay Inday na nakatayo naman at kita ko na nag aalala sila sa akin.
"Anong nangyari?" Wala sa sarili kong tanong.
Nahihilo pa ako.
"Nakita ka naming walang malay sa baba ng hagdan. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Jancy.
Tumango ako, "Oo. Pasensya na pagod lang siguro ako." Sabi ko.
"For sure umaarte ka lang para hindi ka makapag trabaho. Tigilan mo 'ko sa pag iinarte mo, hindi yan tatalab sa akin." Biglang sabi ni Jake.
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga sinabi niya.
Tao lang din naman ako, hindi ako robot!
"Tandaan mo. Hindi ka pwedeng humindi sa mga utos ko. Tumayo ka na jan at maglinis ka ng bodega." Sabi niya at tumayo na tsaka umalis.
Tinignan ko lang sya.
Bakit ba laging mainit ulo nya sa akin? Ano bang ginawa ko sa kanya? Sundin ko o hindi ang mga pinag uutos niya, palaging bulyaw at masasakit na salita ang nakukuha ko sa kanya.
"Gab, okay ka lang ba talaga? Kami nalang maglilinis non at magpahinga ka." Sabi Nanay Inday.
Umiling ako, "Hindi na po Nay. Ako na po. Mainit ulo ni Jake baka mapag balingan pa kayo. Sya sige po, punta na akong bodega." Sabi ko at tatayo na sana ako ng bumaligtad nanaman ang sikmura ko kaya napatakbo ako sa lababo.
"Gabriel, totoo bagang okay ka lang? Kanina nahimatay ka ngayon naman nagsusuka ka. Ano bang nangyayari sayo?" Takang tanong ni Jancy na may halong pag aalala.
Pinunasan ko yung bibig ko.
"Wala 'to. Baka may nakain lang akong masama kaya ganito. Sya alis na 'ko." Sabi ko at pumunta ng bodega.
Pagdating ko sa bodega namangha ako. Malaki to ah? Triple ng kwarto ni Jake.
Medjo magulo at maalikabok na nga lang. Halatang hindi ganoong nalilinis at napupuntahan.
Inumpisahan ko na munang salansanin yung mga kahon. Hindi naman ganoon kabibigat pero sapat na para malaman kong baka mamahalin din ang mga laman nito.
May halong pag iingat ang pag angat at pag lapag ng mga kahon.
Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin buksan yung mga kahon at i-check yung laman.
Nakita ko mga lumang laruan at mga damit pang bata at baby.
Ang cute naman.
Napapangiti ako habang tinitignan ko ang mga ito.
Magaganda pa at malilinis. Parang mga isang beses lang nagamit.
Binuksan ko pa yung isang kahon.
Puro photo album.
Tinignan ko yung mga pictures. Ang cute nung bata. Ang taba ng pisnge at may bunny teeth. Paniguradong si Jake to.
May mga picture pa na hubo at hubad sya habang naliligo. Natawa naman ako.
May mga picture din na kalong siya ng Papa niya na halatang leader talaga ng Mafia group. Yung Mama niya naman sobrang ganda.
Nagsalin pa ako ng ilang page, nagulat ako dahil may picture na puro bata. Yung tatlo nasa 2 years old ang edad yung iba medjo ahead. Nakita ko ang sarili ko at si Kuya Alex.
Huh? Anong ginagawa ko dito?
Napansin kong katabi ko si Jake sa picture. Naandito din si Walter? Tas may tatlo pang bata na mga nasa 3-5 years old. Kamuka ni Kuya Zion yung isa. Tapos yung dalawa yung kasama ni Jake yung nagpunta sa bahay.
Magkakakilala ba kame simula noon? Ba't wala akong alam? Ang alam ko lang si Walter lang at kami ni Kuya ang anak ng member ng La'Familia na magkakilala. Bukod kay Kuya Zion na nalaman ko na din neto lang.
Naguguluhan ako. Paglipat ko pa nakita ko namang may mga picture na dalawahan.
Ako at si Jake. Nakangiti kaming dalawa habang kalong kami ng mga Papa namin.
Sumunod naman si Walter at Kuya Zion. Si Walter, nakaakbay sa kanya si Kuya Zion at nakangiti silang dalawa.
Sumunod na picture ay si Kuya Alexander at batang may dimples.
Dimples? Ah!! Si Kuya Jackson to for sure. Yung matangkad na lalake na purple ang buhok.
Nakasandal yung ulo ni Kuya Alex sa balikat niya at nakangiti silang dalawa.
Lastly, paniguradong si Kuya Kristoff to. Nakangiti siya habang hawak ang sprite. Ang cuteeee.
Nagtataka padin ako bakit may mga ganito?
Nagtitingin tingin pa ako ng mga picture ng biglang magbukas yung pintuan. Nagulat ako nang makita ko si Jake na nagpupuyos sa galit.
"Ba't mo pinakekeelaman mga gamit dito?! Diba sabi ko maglinis ka!! Pakelamero ka talaga!" Sigaw nya tsaka lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Sinasagad mo talaga ako ha!" Nagulat ako ng itulak nya ko sa sahig.
May naramdaman akong sakit na dumaloy sa puson ko pataas sa spinal cord ko hanggang sa ulo ko.
Y-Yung tiyan ko sobrang sakit.
"A-Aray!" Sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko.
"Alam mo napaka arte mo. Kanina ka pa puro kaartehan!! Tumayo ka jan!!" Sigaw niya sa akin.
Pero sobrang sakit talaga ng tyan ko halos hindi na ko makahinga.
Hindi ko na kaya.
"Aray!!!! Nanay Inday!!! Jancy!!! Aray. Tulong!!!" Sigaw ko.
Halos hindi na ako makatayo sa sakit.
Hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay.
***
Jake Fuentabella's POV:
Halos mag 2 weeks ko ng hindi pinapansin si Gabriel. Hanggang ngayon guilt ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit yon ang nararamdaman ko imbis na galit.
Hindi dapat ganito! Hindi dapat ako maguilty at maawa!
Narinig kong sumigaw si Manang sa baba kaya nakita ko si Gabriel na walang malay sa ibaba ng hagdan.
Binuhat siya ng tauhan ko at inihiga sa sofa.
Hindi ko alam pero nag alala ako. Hindi ko ineexpect na makikita ko siyang ganito.
Nakita ko syang nagkamalay na.
Pero hindi ko alam 'bat ko ba siya sinungitan nanaman. Hindi ko kayang magsalita sa kanya ng maayos at hindi ko din alam kung bakit.
Inutusan ko syang maglinis ng bodega at sinunod naman niya.
Hindi ko nanaman alam kung bakit sinundan ko sya doon at sinilip.
Una kong nakita na tinitignan nya yung mga baby stuffs ko noon. Napangiti ako kasi nakita kong ang ganda ng ngiti nya at tuwang tuwa sya.
I shake my thoughts. Umalis na ako at umakyat sa taas.
Bakit ba ako ngumiti? Tsk.
Tumawag bigla yung secretary ko.
"Hello?"
[Sir. We already found him. Nasa Canada siya and still may business. Tinanggal na siya ng Papa nyo 6 months ago for being a business partner. May nakita din kaming evidence na marami na syang napapatay na business partners nya.]
Mahabang sabi niya.
"Okay sige. Magpapa dala ako ng mga tauhan ko sa Canada to get him. Just send me the exact location at kung ano bang mga kahinaan nya at kaya nyang gawin. Thank you, Jer."
After that I hang up.
Papatawag ko si Tito Clyde. He was my right hand. Mapagkakatiwalaan ko sya at proven at tested na yon. Umpisa palang nung bata ako nasa tabi ko na sya. He was 15 years older than me.
"Cameron, makikitawag naman si Tito Clyde." Sabi ko sa tauhan kong babae.
"Yes boss." Sabi niya at umalis na.
Maya maya dumating na si Tito.
"Ano yon iho?" Tanong niya.
"Tito, magpadala ka ng mga tauhan sa Canada. Jer already found Nicholas Page. Nagsend na sya ng exact locations and latest picture nya. I want them to bring him to me immediately." Sabi ko.
"Sige. Ako na bahala." Sabi niya at umalis na.
Bilga kong naalala, ano na kayang ginagawa ni Gabriel?
Bumaba ulit ako at pumunta sa bodega. Pagsilip ko tinitignan niya yung photo album kung saan nandon yung picture ng first love ko.
Uminit ang ulo ko. Matagal ko ng itinago yon at ayaw kong makitang may nangengeelam ng gamit ko.
Kaya naman pumasok ako na kinagulat niya.
Dahil sa init ng ulo naitulak ko sya sa sahig at nakita kong nasasaktan siya.
"Alam mo napaka arte mo. Kanina ka pa puro kaartehan!! Tumayo ka jan!!" Sigaw ko sa kanya.
Pero bigla syang sumigaw ng malakas at tinawag sila Manang tsaka nawalan ng malay.
Nataranta din ako.
Nakita kong pumasok sila Manang pati si Mang Eddie dito sa loob at binuhat si Gabriel.
"Jake, anong ginawa mo?!" Medjo mataas na boses na tanong sa akin ni Manang.
"Hindi ka naman ganyan noon ah? Ang laki ng pinagbago mo. Hindi ikaw yung Jake na inalagaan ko magmula noon hanggang bago mamatay Mama at Papa mo. Hindi ko akalain na gagawa ka ng ganito sa kapwa mo. Bakit si Gab ang pinag bubuntungan mo ng galit mo?! Maawa ka don sa tao." Sabi nya pa at umalis na.
Naiwan akong tulala at walang nasabi.
Para akong natauhan.
Totoo naman si Manang.
Ba't nga ba si Gabriel ang pinag iinitan ko?
Tumawag agad ako ng doctor para macheck up sya dahil naka ilang beses syang nawalan ng malay sa buong maghapon.
Pagdating doctor ay chineck agad sya at kinuhaan ng dugo for blood test.
"I recommend you to take a rest. Wag mong sagarin ang katawan mo sa pagtatrabaho. Here. Vitamins yan and kelangan mo yan for now. Tatawag nalang ako kay Mr. Hernandez pag lumabas na result ng blood test mo." Sabi ng family doctor namin kay Gabriel.
"Thank you po." Mahinang sabi niya.
Lumapit sa akin yung doctor.
"Jake, he needs to rest for 3 days and wag nyo na muna sya pagbuhatin o kahit pagudin. I gave him a vitamins para lumakas naman resistensya nya kasi he needed it. Tawagan nalang kita once I already have the result." Sabi niya.
"Salamat po." Sabi ko naman.
Umalis na yung doctor.
Nakatingin lang ko kay Gab.
Umiwas sya ng tingin sa akin at tumayo na tsaka umalis papuntang kwarto niya.
Napabuntong hininga ako. Maybe I was too much at masyado na kong nagko cross the line.
Kinabukasan, nakita kong inaagaw nya yung hugasing plato kay Jancy.
"Akin na kasi Jancy. Trabaho ko yan." Pamimilit niya.
"Pwede ba? Wag kang magulo. Hindi ba sabi ng doctor kahapon bawal ka muna mapagod. Ang kulit mooooo!" Sabi naman ni Jancy.
"Eh hindi pede trabaho ko yan eh!" Pamimilit pa sa kanya ni Gabriel.
Kaya naman I cleared my throat at napatingin sila sa akin.
"Sir." Sabi ni Jancy.
"Tama sya. 'Wag kana muna magtrabaho." Sabi ko.
Halatang nagulat silang dalawa.
"P-Pero sir--"
"No buts. Pag nagkasakit ka pa at tumagal pa yan lalong di ka makakatrabaho. Gusto mo bang maextend pag stay mo dito?" Sabi ko.
Umiling lang sya.
"Now go. Magpahinga ka sa kwarto mo dahil yon ang recommend ng doctor." Sabi ko pa.
Tumingin muna sya kay Jancy at tsaka lumakad na paalis.
Narinig ko namang tumunog yung telepono.
Kaya lumapit ako doon and I answered it quickly.
"Hello?"
[Jake, It's me Doc. Tan. I already have the result. Can I ask if may boyfriend ba si Gabriel?]
Tanong niya. Kaya napakunot naman ako ng noo at nagtaka ako. Bakit? Type nya ba si Gab?
"No. Wala. Matagal na sya dito almost mag 2 months na sya pero wala naman. Bakit Doc?"
[Um. Wag ka sanang mabibigla. The result found in him is, his positive on pregnancy.]
Nabitawan ko yung telepono sa gulat.
B-Buntis siya?
Paano?
---
Vote ☑
Comment ☑