Inilagay ulit ni Lorraine ang maliit na papel sa punda ng unan niya. Mensahe ulit galing kay Nate na hindi pa siya nito maitatakas ngayon pero makikipagkita ulit ito sa kaniya dahil may hihilingin itong pabor sa kaniya. Magkikita pa rin sila sa hardin ngayong gabi. Kaya maghihintay na lang siya kung kailan ito magpapakita. Nahaplos niya ang dibdib dahil hindi mawala ang kabang nararamdaman niya. She felt restless. Bumuntonghininga siya. Kailangan niyang kalmahin ang sarili. Masyado lang siguro siyang nag-o-overthink. Kinuha niya ang towel at bagong damit na nakapatong sa kama niya. Maliligo na muna siya baka sakaling malamigan ang utak niya. Pagbukas niya ng pinto ay muntikan niya pang mabangga si Karen, papasok naman ito sa kwarto. Inirapan siya nito. "Kumusta ang breakfast ninyo ni E

