Hindi namalayan ni Lorraine na nakatulog na pala siya sa kaiiyak. Kumalam lang ang sikmura niya kaya nagising siya. Hirap pa niyang imulat ang talukap ng mga mata dahil mabibigat pa. At alam niya ring paga ang mga 'yon dahil sa ginawa niyang pag-iyak kanina. Pansin niya rin na maayos na ang pagkakahiga niya. Naisip niya na baka bumalik si Esteban habang tulog siya. She smiled for the thought. Balot na balot na rin siya ng kumot at halatang ginamot na rin ang sugat niya sa kaliwang kamay. Tumayo na siya mula sa pagkakahiga saka kumuha ng T-shirt sa closet nito at isinuot iyon. Tiningnan niya muna ang oras bago siya lumabas sa silid nito. Alas otso na pala ng gabi. Ang haba ng itinulog niya, aniya sa isipan. Naglalakad na siya sa hallway nang makasalubong si Silas. Tipid itong ngumiti s

