"Lorraine, I-I'm sorry..." usal ni Esteban sa gumaralgal na boses. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya nagbitaw ng salitang 'sorry'. "Sorry?" ulit ni Lorraine, saka binasag ang picture frame. "Ah! Sorry? Maibabalik mo ba ang buhay ng Daddy ko dahil sa salitang 'yan?" Lumapit ito sa kaniya at dinuro siya. "Like father like son, ha? You're a monster just like your father!" asik nito sa kaniya bago siya sinampal. Ang tigas ng mukha nito kung titingnan dahil sa galit pero panay naman ang pagtulo ng mga luha. Pinaghahampas siya nito at hindi naman siya pumalag. "Rapist!" sigaw nito sa nanggagalaiting boses. "Mga rapist kayo! Hayup!" Nanatili siyang nakatayo. Hindi niya ito inawat dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatang awatin ito. He's a man of steel but when Alonzo told

