"Bellissima!" bulalas ng mga baklang nag-ayos kay Lorraine. Suot ang red gown na paikot-ikot siya sa malaking salamin. Nakapuyod ang mahaba niyang buhok at kasing pula ng suot niyang gown ang lipstick. Nagustuhan niya rin ang make-up niya dahil hindi masyadong makapal. Nagmukha siyang matangkad tingnan dahil sa long gown niya at sa suot na 6-inches heels. Mayamaya lang ay may kumatok na sa pinto na binuksan ng isa sa mga kasama niya sa kwarto. Si Silas ang nasa labas, sinusundo siya. Nagulat ito ng makita siya. Hindi niya alam kung nagandahan ba ito sa kaniya o dahil naka-red gown siya imbes na black kaya nagulat ito. "Signorina, Señor Esteban is waiting in the car." "I'm ready," aniya saka confident na naglakad palabas ng kwarto. "Signorina, are you certain that's the gown you'

