"That bastard!" Halos lumabas na ang litid ng mga ugat ni Esteban sa leeg dahil sa galit. Kasalukuyan na siyang nasa office ng brothel kasama si Alonzo at ang pinagkakatiwalaan niyang driver. He was frustrated. Magulo ang buhok at gusot ang suot na long sleeve shirt. Naka-rolyo pa ang magkabilaang manggas hanggang sa siko niya. Inubos niya ang laman ng kopita saka nagsalin siya ulit ng alak at tinungga ulit. Ramdam niya ang init ng likidong dumadaloy sa lalamunan niya. Sa pagkakataong ito ay seryoso silang dalawa ni Alonzo. "I don't know what happened," panimula nito. "Hindi ko alam kung bakit nahuli si Mae, kung bakit natunugan na asset natin siya. She was with him for more than a week. Maybe, he senses that something wrong." Naggalawan ang mga muscles niya sa katawan pati na sa muk

