Lorraine curled like a ball inside of the cage. Hindi niya alam kung ilang oras o baka araw na ang binilang niya sa loob ng basement. Ibinalot niya nang maigi ang punit na damit sa katawan para mabawasan nang kaunti ang lamig na nararamdaman. Tahimik lang siyang umiiyak. Patuloy ang pagtulo ng mga luha niya. Na aawa na siya sa sarili. Pakiramdam niya wala nang silbi ang buhay niya. Para ano pa at lumalaban siya kung parang basahan na siya? Bakit patuloy siyang lumalaban kung sa bandang huli siya pa rin ang talo? Bakit ang lakas ng loob niya na labanan si Esteban kung wala naman siyang laban dito? Bakit ang tanga-tanga niya? Umiyak siya nang umiyak. Kailangan niya na bang tanggapin na ito na ang kapalaran niya? Kaikangan niya na bang sumuko? Ito na ba ang klase ng buhay ang gusto niya?

