Chapter 75

2184 Words

She was standing on her room's balcony, admiring the beautiful view of her small farm. Napangiti siya. Tatlong buwan pa lang siya sa farm ay kinagalakan na niya ang mga pananim at alagang hayop. "Ate Lorraine, kakain na po." Nilingon niya si Inez, ang kinse anyos na dalagita. Nakangiti ito sa kaniya habang naghihintay na kumilos siya. Huminga siya ng malalim saka nilapitan ito. Alas syete pa lang ng umaga ay nakapaghanda na ng almusal ang mag-anak. "Ang aga talagang mag-asikaso ng pagkain ang nanay mo," nakangiti niyang komento saka inakbayan ang dalagita. "Mag-aapat na buwan ka na rito Ate, hindi ka pa rin na sanay kay nanay," nakangiti namang sagot nito. "Kaya nga eh..." Naisip niyang nakakapanibago pa rin at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakawala na s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD