20 (Nea POV) Kinabukasan di ako pumasok dahil hindi rin pumasok si Rhey. Nakita ko siyang nagluluto pagpasok ko sa kusina. Mukhang marami siyang ihahanda aa. Bakit kaya? Mukhang busy siya kaya bumalik na lang ako sa sala at nanood ng tv. Nagulat ito paglabas ng kusina nung makita ako sa sala. "Kakain ka ba muna bago papasok? "Tanung nito lapag ang dala niyang omelet at juice. "Hindi ako papasok sa ngayon. " "May sakit ka ba? Anung nararamdaman mo? "Aniya kapa ang leeg ko. "Wala, gusto ko lang magpahinga. " "Tinawagan mo na ba si Theo? Magaalala yun. " "I sent an email to him already. " "I see. Nea, about last night. I'm sorry but I mean it. " Tiningnan ko siya. Di niya pala nakalimutan kagabi. "You mean it? Anung ibig mong sabihin? " Umupo siya sa may paanan ko at hinaw

