10 (Rhey POV) 6 pm. "Nea, baka ma late ako ng uwi mamaya wag kang magpapasok ng kung sino sino at wag mong kalimutang kumain! "Paalam ko kay Nea. Nagtatanim siya ng halaman at wala siyang pasok sa ngayon. "Ah ganun ba, magingat ka. " "Geh. Tigilan mo na yan, gabi na bukas mo na ituloy ang pagtatanim. Pumasok kana baka sipunin ka pa ee. " Tumalikod na ako at umalis na. Kailangan kong kausapin si Clea, pati ba naman si Hale inabala niya pa. Nakakahiya pinuntahan pa ako ni Hale. Tama si Hale kailangang kausapin ko si Clea at ayusin ang dapat ayusin. Napagkasunduan namin ni Clea na magkita sa Limelight ngayon. Pagdating ko sa Lime, umakyat agad ako sa rooftop at naabutan ko si Clea at ang mga kaibigan niya. "Clea." Tawag ko. "Oh hi there Rhey. "Ngiting bati ni Clea, lumapit

