Roman Di na nakatulog si Roman mula ng makatabi niya ang bata sa pribadong silid na ito. Magdamag niyang pinagmasadan ang anak kahit pagod at puyat at kahit isang pagkilos ay di niya ginawa huwag lang magising ang batang tulog sa pagkakayakap sa kanya. Nakailang beses niyang ginawaran ng halik ang bata. Hindi na niya mabilang sa dami. Mga halik na pinagdamot sa kaniya ng pamilyang Monleon na dapat ay malaya niyang nagagawa noon pa. Said na rin ang kaniyang mga luha sa kasiyahan dahil nakikita na niya na ang mga planong unti-unti ng nagbubunga. Ilang araw pa at parating na ang panahon ng pag-aani para sa kaniya at sa kaniyang anak at maiiwang talunan ang mga itinuturing niyang mga kaaway. Gumalaw ang bata, nag-inat ito, yumakap muli sa leeg ng katabi at naghikab pa. Inilapit niya ang k

