Don Iñego Nakangiti ang matanda habang hinihitay sa pagbukas ng private elevator. Natutuwa siya sa mga nagaganap. Kampante niyang iniwan si Roman sa meeting dahil sa tiwala siyang magaganapanan nito ang kaniyang mga habilin. Likas na matalino ang binata na parang isang master computer ang utak na madaling makapagproseso ng data. Isa lang ito sa kaniyang napansing katangian ng binatang katiwala Tumapat ang ilaw sa numero ng elevator kung saang palapag nakatayo ngayon si Don Inego. Naghiwalay ang magkadikit na pinto. Naalala niyang bukod sa mga executives ng hotel at special guest, ay ang pamilyang Monleon din ang nakakagamit nito dahil nasa loob din si Arch Angelo kasama si Thirdy. Bibit ang isang sports bag. Nakilala ni Arch ang sasabay sa kanila. Nagkatinginan sila at tango l

