Arch Angelo Inihatid ng dalawa ang bata sa sarili nitong silid. Hindi nahirapan si Roman na ibaba at ihiga si Thirdy. Dahil sa pagod sa party marahil kaya malalim ang tulog nito. Hinalikan niya ang bata sa noo. Wala siyang pakialam na makita siya ni Arch Angelo. Maging si Arch Angelo ay humalik din sa bata. Matapos nooy pinatay ang ilaw at lumabas sila ng silid ng nakaiwang ang pinto. Tinawagan ni Arch Angelo ang yaya ng bata sa intercon upang bantayan ito sa pagtulog. Silang dalawa nama'y sa nagtuloy sa loob ng silid ni Arch Angelo. Hindi pa gaanong naisasara ang pinto ng muling ipagpatuloy nila ang halikang nangyari sa elevator. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Sabik silang sabay na naghubad ng kanilang saplot. Nagmamadali na parang walang bukas. Kung saan saan na nakarating

