“Let’s go?” nakangiting sambit sa akin ni Paulo pagkatapos niyang bumalik galing sa CR para magpalit ng damit. Tumango naman ako sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas nang takpan ko ang bibig ko gamit ang aking palad para humikab. Nag-aalalang mukha ni Paulo ang sumalubong sa akin nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. He sighed and immediately held my hand. Hawak ang kamay ko na hinila niya ako palabas ng gym. “Kaya mo pa ba? Do you want me to carry you?” tanong niya sa akin. Napatitig naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Maging siya ay napatitig din sa akin. Maya-maya ay natawa ako. “Are you being serious?” Kumunot naman ang kaniyang noo saka sunod-sunod ang naging pagtayo. Lumuhod pa siya patalikod sa akin at saka tinapik niya ang kaniyang likuran. “Sakay na sa likod ko.

