The thing is, I always remind myself that Paulo loves me. Iyon lang ang paulit-ulit na pinapasok ko sa isipan ko para kumalma ako. For the past three days he still hasn’t replied to my messages. Hindi niya rin ito nase-seen. Talagang naka-delivered lang ito kahit na online naman siya. “Are you okay?” Nikolai asked me. Kagagaling lang nito sa pakikipag-usap sa ibang mga businessmen sa kabilang table. Ako naman ay narito sa isang sulok. Dahil bothered ako tungkol kay Paulo, hindi ko alam kung kakayanin ko bang makipag-usap sa ibang businessmen nang hindi nagmumukhang lutang. Inikot ko muna ang aking paningin bago bumaling muli sa kaniya at dahan-dahang tumango. “But you don’t look okay.” aniya sa seryosong tono. “Ilang araw ko nang napapansin ‘yan. Girl, two days na ang lumilipas sa

