Sa ilang linggo naming magkasama sa San Narciso, minsan lang kami halos magpansinan at mag-usap. Kadalasan pa ay tungkol sa trabaho. Ayos lang naman. Hindi naman ako nagmamadali. Kung ayaw niya akong kausapin, ayos lang. Basta nandito lang ako, naghihintay sa kaniya. I stayed here para mabantayan ko ang pagpapagawa ng resort. I had to be as hands on as needed para ma-check kong mabuti ang mga designs at kung tama baa ng pagkakagawa nila ng mga pinapagawa ko. At sa totoo lang, hindi ko naman inakalang sa ilang linggo nang pananatili namin dito ay may babaeng darating na hindi naman imbitado sa lugar na ito. Earlier in the morning she came until afternoon. At iyon nga, nagalit ako kay Paulo dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kaniya. And what’s worse? I learned that the girl that’s been vis

