Napangiti ako sa sinabi ni Hiro. He’s truly our angel in this trip. Sino nga ba naman ang mag-aakala na makakasabay namin siya sa business trip na ito at pinsan pa niya ang taong pupuntahan namin dito sa El Nido. “Malayo pa ba tayo?” tanong ko kay Hiro. Napahinto naman siya sa ginagawa sa kaniyang laptop at napabaling sa akin. Bigla tuloy akong napahiya. “Ah, sorry. Hindi ko alam na busy ka.” paghingi ko sa kaniya ng paumanhin. Umiling naman agad siya. Mataman niya akong tiningnan at maya-maya ay ngumiti sa akin. “Rachelle, I suggest you enjoy the trip. Isipin mo na lang na birthday gift mo ito sa sarili mo. El Nido is the one of the best place here in Palawan.” Ngumiti naman ako. “Nag-e enjoy naman ako.” He narrowed his eyes on me. It’s as if he’s examining if I’m telling the t

