"Kuya, hanggang kailan tayo maglalakad?" tanong ni Zaira habang naglalakad sila patungong Whitehill.
Umihip ang malamig na hangin dahilan para mapayakap siya sa sarili.
"Nilalamig na ako," aniya.
Sa una tama lang ang temperatura sa paligid subalit habang lumalapit sila sa Whitehill lalong lumalamig ang panahon. Ngayon hindi na makayanan ni Zaira ang lamig.
"Halika dito," sabi ni Blaize sabay hila kay Zaira.
Pagharap ni Zaira sa kanya, tinanggal nito ang suot na scarf saka pinulupot sa leeg ng dalaga.
"Wag na yung jacket. Baka ikaw naman lamigin. Okay na sa akin itong scarf."
Pigil ni Zaira sa kanya bago nito huhubarin ang suot na jacket. Nang makita niyang nakatingin lang sa kanya si Blaize na para bang pinag-iisipan nito ang sinabi niya, kumilos na si Zaira.
"Ayos lang talaga ako."
Nakangiting sabi ni Zaira saka inayos ang suot na jacket ni Blaize.
"Okay na. Wag mo nang tanggalin yan," sabi ni Zaira.
Pagkabitaw niya sa jacket ni Blaize hinawakan ng binata ang kamay niya.
"Malamig ang kamay mo," sabi nito saka ito binulsa sa jacket niya habang hawak-hawak ito.
"Thanks."
Masayang sabi ni Zaira saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Blaize habang nasa bulsa ito.
"Dito pa lang malamig na, paano pa kaya kung doon mismo sa pupuntahin natin?" tanong ni Tyler habang nakayakap sa sarili.
"Sigurado mas doble o triple pa ang lamig doon. Sabi nila laging winter sa lugar na yun. Puno ng puting nyebe ang buong lugar at idadag pa na mataas na lugar ang Whitehill," tugon ni Gin.
Wala pa ni isa sa kanila ang nakakapunta sa lugar na yun. Base lang sa mga naririnig at nababasa ang kaalaman nila.
"Achooo!"
Napatingin sila kina Zarah at Zaira nang sabay silang bumahing.
"Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ni Naomi.
"Ayos lang a--Achooo!" sagot ni Zaira.
Napatakip siya ng bibig at ilong gamit nag isa niyang kamay.
"Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng jacket," sabi ni Blaize kay Zaira.
Kumpara kay Zaira mas kaya niya ang lamig kaya kahit wala siyang jacket ayos lang sa kanya.
Tumango si Zaira bilang tugon.
"Bilisan na natin," sabi ni Liam sabay tanggal ng jacket.
"Suot mo ito, alam kong kanina ka pa nilalamig," aniya habang inaabot ang jacket kay Zarah.
"Hindi ko kailangan niyan," tugon ni Zarah sabay iling.
"Wag na matigas ang ulo. Baka magkasakit ka pa niyan."
Sermon sa kanya ni Liam saka pinatong ang jacket sa likod ni Zarah.
"Ang kulit, hindi ko nga kaila--"
Sinubukang alisin ni Zarah ang jacket pero pinigilan siya ni Max.
"Kailangan mo niyan. Suot mo na," sabi ni Max saka niya tinulungan si Zarah na isuot ito.
Hindi kumilos si Zarah.
"Zarah," tawag sa kanya ni Ken habang nakatingin ng masama sa dalaga.
"Fine!" sagot nito.
"Susuotin din pala, dami pang arte. Alam mo naman na weak kayong mga tao, konting lamig lang magkakasakit na agad," sabi ni Kaycie.
"Anong sabi mo?" inis na tanong ni Zarah habang nakatingin ng masama kay Kaycie.
"Psshhh! Tumigil kayo. Tara na!" sabi ni Liam na ikinatahimik nila.
"Natatanaw ko na!" sigaw ni Gin nang may makita kaming puting lugar.
Nagsitakbuhan na sila para makarating agad sa Whitehill. Tulad ng sinabi ni Gin napapalibutan ito ng nyebe at mas malamig sa nasabing lugar.
Nag-umpisang manginig si Zaira sa sobrang lamig kaya naghanap agad ng mabibiling makapal na jacket si Liam para may proteksyon sila sa lamig.
"Salamat kuya," sabi ni Zaira nang maisuot ang jacket.
"Hanap na muna tayo ng matutuluyan," sabi ni Ivan.
Nagtanong-tanong sila kung saan may bakanteng lugar na pwedeng tirahan pasamantala hanggang sa may makita silang spartment.
"Salamat po. Ito po bayad," sabi ni Liam sa landlady saka inabot ang bayad.
"Kung may kailangan o katanungan kayo puntahan niyo lang ako," sabi ng landlady bago umalis.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Blaize pagkapasok nila sa apartment.
Tumango si Zaira saka ngumiti ng pilit.
Pumunta ng kusina sina Liam at Naomi sa bitbit ang mga pinamili nilang pagkain habang naiwan naman sila Zaira sa sala.
Binitawan na ni Zaira si Blaize saka umupo habang nakayakap pa rin sa sarili.
"Athena, ayos ka lang?" tanong ni Max sa kanya nang hindi ito umimiik sa kabila ng ingay ng mga kasamahan nila.
Bago makapagsalita si Zaira, lumabas galing kusina si Naomi.
"Kain na kayo habang mainit pa yung sopas," aniya.
Pagkatayo ni Zaira pakiramdam niya umikot ang mundo at dumoble ang nakikita niya sa paligid hanggang sa mawalan siya ng balanse.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Blaize habang nakahawak sa bewang niya.
"Oo, dala lang ito ng pagod," sagot ni Zaira sabay hawak sa balikat ni Blaize para tumayo.
Bumuntong hininga si Blaize saka siya binuhat nito.
"Blaize, ibaba mo ko."
"Quiet!"
Inupo siya nito bago umupo sa tabi niya.
"Kain na kayo," sabi ni Naomi sabay abot sa kanila ng isang bowl na may lamang sopas.
"Share na lang kayong dalawa. Kulang tayo ng lalagyan," aniya.
Tinulak ni Blaize ang sopas sa tapat ni Zaira.
"Ikaw na lang kumain para mainitan katawan mo," sabi ni Blaize habang binibigay ang kutsara.
Pansin niyang malamig pa rin ang kamay ni Zaira.
"Ian," tawag sa kanya ni Ivan.
Paglingon ni Blaize may binato itong isang kulay pulang lata. Sinalo ito ng binata.
"Ano yan?" tanong ni Zaira.
"Dugo."
Pagtingin ni Zaira sa iba nilang kasamang bampira may mga hawak din silang lata na katulad kay Blaize.
Pagkatapos nila kumain, tumayo na sila Liam.
"Maiwan na lang kayo dito. Kami na lang nina Ivan at Finn ang maglilibot," sabi ni Liam.
"Mag-iingat kayo."
Paalala ni Naomi habang nagliligpit ng pinagkainan. Tumango si Liam saka sila umalis kasama ang mythical animal nilang mukhang tao na sina Risuku, Aki at Kyuu.
"Sandali," sabi ni Risuku sabay tigil sa paglalakad.
"Nararamdaman ko ang nunchaku. Malapit lang tayo."
Napatingin sila sa daanan; may paliko sa kanan at kaliwa bukod sa daanan sa harapan nila.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Finn.
"Diretso na muna tayo," sagot ni Liam.
Hindi nagtagal muling huminto si Risuku .
"Hindi ko na maramdaman," sabi nito.
"Balik tayo, doon naman tayo sa kanan." sabi ni Ivan pero pagbalik nila tumigil nanaman si Risuku.
"Hindi ko na mararamdaman dito," sambit nito.
"Ibig sabihin wala sa isang lugar ang nunchaku. Baka may ibang may hawak nito," sabi ni Ivan habang nakahawak sa baba.
"Tuloy pa rin tayo," sabi ni Liam saka siya kumanan.
Sa kalagitnaan ng paglalakad nila naramdaman bigla ni Kyuu ang chain sickle. Tumingin siya sa isang binatang tumatakbo at sa hawak nito.
"Chain sickle ni Cancer?" tanong ni Liam kay Kyuu habang nakatingin sa hawak ng binata.
Tumango si Kyuu saka sinundan ang binata. Tumakbo na rin sila Liam.
Tumigil ang binata sa pagtakbo saka nilingon sila Liam.
"Bakit niyo ko sinusundan?" tanong nito habang matalim na nakatingin sa anim.
"Pwede ba namin makita ang hawak mo?" mahinahong tanong ni Liam ngunit lalong naging alerto ang binata.
"Sino kayo? Isa din ba kayo sa gustong kumuha nito?" aniya sabay tago ng chain sickle sa likod niya.
"Mga celestial guardian kami at kailangan namin yan para maprotek--"
"Sinungaling! Mga kasamahan din kayo ng sumugod sa amin. Tama ako diba? Ano ba meron dito? Bakit gustong-gusto niyo makuha?"
Nagkatinginan sina Ivan at Liam bago magsalita.
"May iba pang gustong kumuha niyan bukod sa amin?" tanong ni Liam subalit bago makasagot ang binata may tumalon na mga nakaitim na cloak.
Ang isa sa kanila may hawak na babae.
"Mike, tulungan mo ko," sigaw ng babae nang bigla siyang tutukan ng dagger sa leeg.
Napatingin si Risuku sa lalagyan ng nunchaku na hawak ng isang sa nakaitim na cloak.
"Hawak nila ang nunchaku," aniya.
"Ito ba tinutukoy mo?" tanong ng lalaki saka inangat ang hawak nito.
"Iron," sigaw ni Liam nang makilala niya ito.
"Ssshhhhh."
Napatingin sila kay Drake.
"Hindi niyo yata kasama ang paborito kong pagkain?" tanong nito sabay dila sa labi.
Nanlisik ang mata ni Liam ngunit tumawa lang ito.
"Wag ka mag-aalala, hindi siya ang ipinunta namin."
Nilingon niya ang binatang tinawatawag na Mike.
"Ibigay mo na sa amin yang hawak mo," sabi ni Drake sabay diin ng dagger sa leeg ng dalaga.
"Wag mo ibibigay," sabi ni Liam.
Hinarangan niya si Mike bago pa ito maglakad sa papunta kay Drake.
"Bitawan mo siya," sabi ni Ivan kay Drake habang binibigyan niya ito ng nakakamatay ng tingin.
"Tulungan niyo ko!" saigaw ng dalaga habang umiiyak sa takot.
"Tony," sigaw ni Mike sabay tulak kay Liam.
"Bitawan niyo siya. Ibibigay ko na ang gusto niyo basta pakawalan siya."
Ngumiti si Drake sabay senyas kay Mike.
"Lumapit ka rito."
Naglakad palapit sa kanila si Mike. Nilapitan siya ni Iron para kunin ang chain sickle ngunit inilayo ito ng binata.
"Bitawan niyo muna siya," aniya.
"Bigay mo na muna yan," tugon ni Iron.
Hinagisan ni Liam ng dark ball si Iron habang si Ivan naman tumakbo palapit kay Drake.
"Sh*t!" sambit ni Drake habang lumalayo kay Ivan.
May pumulupot sa kamay niyang may dagger. Pagtingin niya sa may gilid nakita niyang nakatayo si Risuku habang may hawak na water whip.
Hinila naman ni Ivan si Tony saka ito binuhat palayo sa dalawa. Malayo na sila nang magreact si Drake.
Samantala, pagkaiwas ni Iron sa atake ni Liam, hinampas niya si Mike gamit ang hawak nitong lalagyang naglalaman ng nunchaku.
Natumba ang binata at nabitawan nito ang hawak na chain sickle. Kukunin na sana ito ni Iron pero gumawa ng ice spikes si Finn harapan nito kaya napaatras ito.
Tumakbo palapit si Finn kay Mike at saka kinuha ang chain sickle. Nilagay niya ang dalang crystal sa may sickle.
Nang magliwanag ito tumakbo si Kyuu palapit kay Finn para sumanib.
Nag-iba ang anyo ni Finn. Nagkaroon ito ng siyam na buntot na katulad kay Kyuu at nag-iba rin ang kulay ng mata niya. Hinagis ni Finn ang chain kay Iron.
Bumuhol ito sa braso niya ngunit agad na naging metal ang kamay ni Iron para hindi siya masaktan. Hinila ni Finn ang kadena palapit sa kanya kaya pero pinigilan ni Iron ang sarili para hindi siya mahila.
Pinalibutan ni Finn ng yelo ang kadena hanggang sa pati kamay ni Iron naging yelo.
"Ako na bahala sa kanya," sabi ni Liam kay Ivan saka kinuha si Tony.
Tumakbo palapit kila Iron si Ivan para makuha niya ang nunchaku.
Hirap na lumaban si Iron dahil sa limitado lang ang galaw niya gawa ng kadena. Sinipa ni Ivan ang lalagyang naglalaman ng nunchaku saka sumuntok kay Iron bago niya ito saluin.
Tumakbo palapit si Finn kay Iron habang makataas ang sickle. Lumikha ng sariling dagger si Iron at pinangdepensa ito sa sickle ni Finn.
Ting! Tunog ng dalawang sandata nang magtama ito.
Habang abala ang lahat nilagay na ni Ivan sa nunchaku ang crystal.
Pansin ni Iron na delikado ang lagay nilang dalawa kaya nang magawa niyang makaalis sa kadena tinawag niya agad si Drake.
"Umalis na tayo," aniya sabay talon papunta sa bubong ng bahay.
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita," sabi ni Drake bago sumunod kay Iron.
Hindi na ito sinundan nila Liam dahil nakuha na nila ang kailangan nila.