CHAPTER THIRTEEN INIS na iminulat ko ang aking mata nang makarinig ng kumakanta mula sa labas ng bahay, ang pangit naman ng boses! Bumangon ako upang paalisin ang sinoman na nanghaharana sa katanghalian. "Ano ba naman—Xandro? Anong—" "Ginagawa ko? Hinaharana ka, Mavie." Nakangiting sabi niya na may dala pang gitara. "Alam kong hindi maganda ang boses ko pero sana—" "Masakit sa tenga ang boses mo Xandro kaya puwede ba tumigil ka na? Iniistorbo mo ang tulog ko." "Natutulog ka pala tuwing tanghali?" Napapansin ko din na panay ang tulog ko nitong nakalipas na araw at nagiging matakaw din ako kumain. "Ikaw lang ang nakilala kong nanghaharana sa katanghalian. Wala ka bang trabaho? Wala ka bang magawa sa buhay mo?" "Ang sungit." Bulong niya sa hangin pero narinig ko kaya pinaningkitan ko

