CHAPTER 2

1293 Words
CHAPTER TWO MAINGAT na inilagay ko sa bibig ni Marra ang kutsarita na may vitamins at pinainom sa kanya. Nakaupo siya sa wheelchair habang ako naman ay sa single sofa sa harap niya. "Wow, ang galing naman ni Marra nainom niya ang vitamins niya nang hindi natatapon." Masayang sabi ko habang ngingiti-ngiti lang ang kapatid kong may cerebral palsy. "Apir kay ate." Inangat ko ang isang kamay ko at hinawakan ko ang isang kamay niya para maglapat ang mga palad namin. "A-ate." Uutal-utal na wika niya. "Sa-salamat po."  Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang hindi maiyak sa harap ni Marra. Kahit nahihirapan siyang magsalita ay nagagawa niya pa rin magpasalamat sa akin. Hinaplos ko ang buhok nya at ngumiti sa kanya. "Gagawin ni ate ang lahat para sayo Marra para sa inyo ni Mama." Kahit nahihirapan ay tila tumango-tango ang kapatid ko kaya hindi ko napigilan ang yakapin siya. "Mahal ka ni ate, mahal na mahal ka ni ate." Sabi ko sa kanya habang hinayaan ang luha ko na maglandas sa pisngi ko. Ayokong ipakita sa kanya na umiiyak ako kasi ayokong isipin niya na mahina ako. Gusto kong ako ang maging lakas niya upang labanan niya ang anumang pagsubok na ibinigay sa kanya. Gusto kong maging malakas sa paningin ni Marra kahit pa kapag nakikita ko siya at ang kalagayan niya ay nanghihina ako. Alam kong nahihirapan siya pero wala akong magawa upang tulungan siyang gumaling. Ang tanging nagagawa ko lang ay alagaan siya at intindihin siya dahil iyon lang ang kaya kong ibigay sa kanya... ang mahalin siya ng sobra-sobra. "A-ate m-mahal Ma-marra." May himig na saya sa boses niya na lalong mas nagpaluha sa akin. "Ma-marra ma-mahal a-te Ma-mavie." Tumango-tango ako habang nakayakap sa kapatid ko. "Oo Marra, mahal ka ni ate. Hindi kita papabayaan." That's a promise that I'll keep forever. "Mavie?" Nag-angat ako ng tingin kay mama na kapapasok lang sa bahay namin. "Maghanda ka na baka ma-late ka pa sa trabaho mo, ako na ang bahala kay Marra." Hinalikan ko muna sa noo ang kapatid ko bago tumayo at sinukbit na ang bag sa likod ko. "Aalis na ako, Ma, mag-ingat po kayo dito ni Marra." "Mag-ingat ka rin, anak." Lumapit ako kay Mama at niyakap ko siya pero mabilis din akong lumayo at lumabas na ng bahay. I took a deep breath and turned around to see our small humble house, from the opened wooden door, I can see my mother and my sister... I smiled but my heart aches. This is my life... my life behind the mask. PAGDATING ko sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan ko ay nagpalit agad ako ng uniporme. Kung sapat lang ang kinikita ko bilang waitress, hindi na sana ako aabot sa pagsasayaw nang halos hubo't-hubad. At kung hindi natutustusan nang kinikita ko sa Club ang lahat nang gastusin namin, lalo na ni Marra, siguradong matagal na akong wala sa Magdalene. It was really a matter of priorities in life. Minsan pipiliin natin ang mga bagay na hindi naman talaga nagbibigay ng kasiyahan sa atin para lang sa kapakanan ng iba. We can be selfish to ourself but it was always hard for us to be selfish with our love ones. "Good morning, ganda." Bati sa'kin ni Nicco na katrabaho ko. "Good morning din." At binigyan siya ng tipid na ngiti bago pumunta sa mga customers namin upang kunin ang kanilang mga order. Sa umaga ay waitress ako at sa gabi naman ay nasa Magdalene Club ako. Nasanay na rin ako sa takbo ng trabaho ko, hindi na siguro magbabago ito. O kung magbabago man, hindi ko alam kung kailan. "Hello sir, I am Mavie. May I have your orders?" Masiglang bati ko sa lalaking naka-dark suit. Pinanatili ko ang ngiti sa labi ko nang mag-angat siya ng tingin sakin mula sa laptop niya. "So, your name is Mavie." He said while staring at me. "Hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho." Pinigil ko ang sarili ko na huwag paikutin ang mga mata ko sa harap niya dahil ngayon ko lang nakilala ang lalaki. Siya 'yung guwapong driver ng mamahalin na sasakyan na nakita ko noong pauwi na ako galing Club. "Yes sir, ano po ang order niya?" Magalang na tanong ko pero tinitigan niya lang ako. "What are you doing in Magdalene's Club that time?" Instead he asked that question. Hindi ko na kailangan sagutin pa ang tanong niya dahil sa unang banda ay wala naman dapat siyang pakialam kung saan niya man ako makita. Hindi naman kami magkakilala. Estranghero kami sa isa't-isa. "Kung ano man po ang ginagawa ko sa kung saan mo man ako nakita ay wala ka ng pakialam do'n. Kung wala po kayong balak umorder, aalis na po ako. Excuse me." I heard him chuckled when I turned my back on him.  Hindi ko talaga gusto ang mga klase niyang lalaki. Sila 'yung mga guwapong mayayaman na habulin ng mga babae. Sila 'yung hindi marunong magseryoso. Sila 'yung kadalasang dahilan kung bakit may mga babaeng umiiyak at nasasaktan. "Sinungitan mo na naman 'yung customer natin." Sambit sakin ni Nicco nang makabalik ako sa counter. "Hindi naman siya o-order kaya bakit sasayangin ko ang oras ko sa kanya." "Ang sungit mo talaga, Mavie." "Hindi ako masungit hindi ko lang talaga sinanay ang sarili ko na magbait-baitan." "Masungit ka pero mabait ka." Sinulyapan ko lang si Nicco. "Mabuti ang puso mo Mavie at bihira ang babaeng katulad mo." Si Nicco ay tinuturing kong kaibigan at hindi ko maiwasan na magkwento sa kanya tungkol sa pamilya ko pero hanggang do'n lang ang alam niya. Hindi niya alam ang lihim ko, hindi niya alam kung sino at ano ako kapag sasapit na ang gabi. "Bihira lang talaga ang katulad ko." Makahulugang wika ko. Alas-singko na ng hapon nang makaalis ako sa Shop at sa Club naman ako dumeretso. Tahimik kong inilagay sa isang tabi ang gamit ko at pinuntahan ang mga kapwa ko dancer o mas tamang sabihin ay stripper. "Mavie," Tawag sakin ni Manager Rosse. "Come here, may sasabihin ako sayo." Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Ano po 'yon?" "Darating mamaya ang isa sa mga nagbabalak na bilhin itong Magdalene's Club." Tumaas lang ang isang kilay ko. Batid kong marami ang gustong mabili ang Club pero ni isa ay wala pang nagwagi na makuha ito. "Kapag maganda raw ang performance ng mga dancer mamaya, puwede raw na doblehin ang bayad sa pagbili dito sa Club at siguradong hindi na makakatanggi ang may-ari." "Ibig sabihin, handa na rin talaga ibenta ng may-ari itong Club niya?" "Yes," "Ano na ang mangyayari samin kung sakaling iba na ang may-ari?" "Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na 'yan pero sinisigurado kong magpapagtuloy lang ang trabaho niyo." "Ang kailangan lang namin gawin ay galingan ang performance namin mamaya?" "Oo lalo ka na, Mavie." "Ha? Bakit ako?" "May nakapagsabi kasi sa buyer na may isang dancer na hindi nagpapakita ng mukha at ikaw 'yon. Ang gusto ng buyer ay makita ka." The more I hide my face, the more they get interested to see me. Ang mga tao talaga ay walang kasiyahan. Sila ay mapaghangad. "Hindi naman niya ko kailangan makita." Sagot ko, medyo naiirita dahil sa mga demand ng tao na hindi naman dapat sa una palang. "Siguro ay nahihiwagaan lang sayo pero huwag kang mag-alala Mavie mukha namang mabait 'yung buyer." "Kahit na ayoko pa rin magpakita sa kanya." "Mavie," "Excuse me, Miss Rosse, kailangan ko nang mag rehearse." Sabi ko at umakyat na ng stage. I don't really understand why most of our guests were so eager to see my face even before, that's the only thing that I will never allow. They will never see the face behind the black mask... behind Magdalene's mask.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD