CHAPTER EIGHT "IHAHATID na kita." Gusto ko pa sanang tumanggi sa offer ni Xandro kaya lang alam ko naman na ipagpipilitan niya pa rin ang gusto niya. "Gusto mo lang yata makita ang mga kasama ko na sumasayaw kaya nagpupumilit ka dyan na ihatid ako sa Club." Natawa siya sa sinabi ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Pinakatitigan niya ako ng husto ngunit hindi maiaalis sa isip ko na siguro nga iba ang gusto niyang panoorin. "Selosa ka pala, Mavie." "I am not!" Ikinubli ko ang biglang pagtusok ng karayom sa dibdib ko sa ideyang baka nga tama ako, tama ako na ibang babae ang nais niyang makita. "Hindi ka naman ganyan nitong mga nakalipas na araw. Palagi mo lang akong sinusundo pero hindi ka naman nagpumilit na ihatid ako." Amusement was written all over his face while staring a

