Disclaimer—
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
——
Sky
"Sky, gising na! Malalate na ako," ang maingay kong pinsan, si Amber.
Si Amber ang pinakaclose kong pinsan dahil dito siya lumaki sa bahay namin. Her parents left her infront of our door. Hindi ko alam kung bakit iniwan nila tita si Amber at bigla nalang silang nawala. We're still waiting for the investigation report, 16 taon na ang nakalipas pero wala parin. Tsk, police na ghoster!
"Ayoko nga," pabiro kong sabi at hinampas ako ng unan. "Joke lang! Eto na gigising na po ako."
Naligo na ako at nagbihis. Ready na kaming lahat ni Kuya at Amber kaya sumakay na kami sa kotse ni Kuya Sol.
Dalawa pala ang kuya ko, they're twins. Si kuya Solvester at kuya Sylvester. I call them kuya Sol and Syl ang haba kasi ng pangalan nila.
Bubuksan na sana ni kuya Sol ang kotse kaso hinawakan ni kuya Syl ang pintuan ng sasakyan.
"I'll drive," ani kuya Syl. Away na naman.
"No, this is my car so I'll drive," sabi naman ni kuya Sol. Si kuya Syl kasi bibigyan sana siya ng Rolls-Royce pero ayaw niya dahil mas gusto niya ang BMW kaya ayun, walang sasakyan. Ako naman, 16 palang ako at bawal pa akong mag-drive.
"Naku, malalate na ako. Ang arte naman ni Sol eh gusto lang naman ni Syl mag-drive," said Amber. Sinumbong niya sina kuya kay dad kasi ayaw niyang malate. Valedictorian itong pinsan ko eh.
Pinadrive na ni dad si kuya Syl kaya tapos na ang away. Kuya Syl smirked at kuya Sol.
"Sky, Amber wanna eat later? My treat," kuya Syl asked. We looked at each other and both said yes.
"The best ka talaga kuya!" aniko at nag high five pa kami. He chuckled and patted my head.
1 point for kuya Syl, no points for kuya Sol. He did that to annoy kuya Sol. Pinayagan kasi si kuya Syl na sya ang mag-drive buong araw.
"I'll never let you touch my car again," kuya Sol said at nagheadphones para hindi kami marinig.
Nasa school na kami. Lumabas agad si kuya Sol sa kotse. Mamaya pa ako lalabas kapag nasa parking lot na ako. Nandoon kasi ang mga fans ko, joke lang! Friends ko pala. Ang dami ko kasing friends kaya tinatawag ko silang fans. Si Amber naman, mahiyain kaya sasabay nalang daw sya saken.
By the way, pangalawang week ko pa lang sa school na to pero may 37 friends na agad ako. I’m such a friendly person.
Sa Spain kami nag-aral ni Amber noon kasi may malaking business kami don. We were still a kid. Siguro mga 11 kaya sinama kami sa Spain. 14 na sina kuya noon kaya hindi na sila sumama. They prefer to be here since they have a lot of friends here.
Nasa parking lot na kami. As usual, nandito ang mga fans ko para sunduin ako. Yung iba kinikidhatan pa ni kuya, kadiri.
“That girl at the back looks cute. What’s her name?” he winked and smiled at her.
“Ahh si Roxanne. Malandi yan eh, fake friend, gold digger, social climber. Scholar lang naman yan dito. Kunwari friends kami para maging close sa family natin at maging sikat, ew,” kuya Syl and Amber laughed.
“Sky, calm down, she looks like a good person. Let’s stop judging Roxanne, okay?” ani Amber at tumawa ulit. Totoo naman ang mga sinasabi ko.
“Hmm, interesting,” sabi ni kuya at lumabas na. I almost choked myself.
“Ikaw talaga Sky ang selosa mo,” sabi ni Amber at lumabas na rin.
Bahala kayo basta ayoko kay Roxanne.
“Hi fans, did y’all miss me?” I greeted my beloved friends. Well except kay Roxanne, she doesn’t belong here.
Our school is one of the biggest and expensive school in the whole Asian countries. Roxanne just got lucky, she received a scholarship.
Kuya and I separated ways. Nasa ibang building ang room niya. Yung iba kong friends humiwalay na rin sakin pero yung mga classmates ko, kasama ko parin.
Pumasok na si Amber sa room niya which is sa tabi ng room namin at ganon din ako. I noticed something.
Why is this weird guy sitting in my chair? He’s wearing a black sweater and a black mask. Why is he wearing a mask? Ang weird.
“Excuse me, upuan yan ni Sky,” here goes my defender and attacker, si Kate. Hindi kumibo ang weirdo guy.
“Hello? Are you deaf? I said this is Sky’s chair,” pasigaw na sabi ni Kate at lahat sila nagtinginan samin. This is why I love Kate.
He stared at me. His eyes are scary.
“Sorry,” that’s it! He didn’t even say anything, isang sorry lang? Hello? Ako to, si Sky. Hindi niya ba ako kilala?
“Thank you, Kate,” she winked at me, I’m used to it. Sa totoo lang, natakot ako kay Kate nong nag wink siya saken. I realized its just a “Kate thing”
“No probs,” aniya.
Umupo na ako at binuksan ko ang cabinet ng table ko, there’s a book. Sosyal ang school namin kaya may cabinet.
Perfect Kill
Perfect Kill yung title? Ang weird. This must be that weirdo guy’s book. Ang childish naman! The book cover is all black and it has a kid stabbing a bear in it. Siguro mga pambatang stories ang laman neto. Mamaya ko na to isusuli, I might need them in the future.
A teacher went inside our room. May bad news ata.
“Good morning everyone, no need to greet. I’m here to tell you all that Ken’s family contacted us and sadly, they said that Ken died,” my jaw dropped. Nagbubulungan lahat. Yung iba, umiyak.
I want to ask how he died but I stopped myself as a sign of respect. Bago palang ako sa school na to pero alam kong isang mabuting estudyante si Ken.
Lunch time na at lahat sila nakasimangut. They want answers but we can’t ask teachers about Ken for privacy purposes daw.
I have an idea.
I went infront of the classroom and said “Hello guys! Who wants to eat? My treat,” most of them went near me. Pati si weirdo guy lumapit saken.
Ayan! Nawala na ang mga sad faces.
“Gusto mong sumama?” I asked the weirdo guy, he nodded. “Kilala ba kita?” He stared at me. I swear to god, nakakatakot ang mga mata nya.
“J-joke lang! Of course you can come. My names Sky,” I offered him my hands pero hindi niya inabot yung kamay niya saken. Wow feeler! Kapal ng mukha! Thick face!
We went to our school mall. May sariling mall ang school namin. Oh diba ang sosyal?
I ordered everything they want but this guy didn’t order a single thing.
“Anong gusto mo? Ito or ako?” I asked and again, he gave me his deadly stare.
“Joke lang!” Hindi parin sya nagsasalita. Is he deaf or something?
“Follow me,” nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Ang sexy ng voice sis!
So ayun, I followed him. Dinala niya ako sa parking lot. Oh my mommy! Baka kidnap to.
“Kikidnapin mo ba ako? You want money?” Sunod sunod kong tanong pero hindi siya sumagot.
He forced me to go inside a black car, BMW. Wala akong magawa, hindi ako makawala sa hawak niya.
“Give me that book,” kinuha niya yung book saken. Dala-dala ko pala itong book niya.
“Kikidnapin mo ba ako dahil kinuha ko yung book mo? Pangbata yan eh. Pinasok mo pa talaga ako dito sa car mo para makuha yang book mo-“ hindi niya ako pinatapos at tinakpan ang bibig ko.
“Mind shutting your mouth?” Inalis niya yung kamay nya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Mind opening the door for me? Aalis na ako, na sayo na yang book mo,” I flipped my hair.
“No,” napahinto ako. “Your life is now mine,” sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.