Sky
The old lady suddenly cried. I comforted her.
Hala bakit umiyak? Lord help me! Hindi ko po sinasadya. Lord anong gagawin ko?
“Ah lola do you want water?” natakot ako nang biglang siyang tumawa.
“Wag kang mag-alala hija, ayos lang ako. Masaya ako’t nakita ko muli ang mga ngiti ng alaga ko,” I hugged her.
Ang init ng mga yakap niya, just like my grandma who died.
“Lola can I ask you a question?” she nodded. “Where’s Jetro’s mom and siblings?”
I stopped when I realized that my question is too personal.
“Pasensiya ka na hija pero hindi ko pwedeng sabihin sayo. Hayaan mong si Jetro mismo ang magsabi sayo,” ang mysterious talaga ng life ni Jetro. It’s making me interested. Gusto kong malaman ang buhay niya. I want to know his relatives and everything about him.
“By the way, bakit po kayo nagtratrabaho? Your old na po and I think you should retire na and let your children handle this for you,” she wiped her tears.
“Malaki ang naitulong ng papa niya sa pamilya namin. Tinulungan nila ang anak ko para makalabas sa hospital, may sakit kasi ang anak ko noon. Tinulungan din nilang makapag-aral ang anak ko. Binigyan nila kami ng maganda at maayos na bahay at mga pagkain,” Jetro and his dad have a lot of differences. His dad seems friendly and kind while Jetro is not.
“Akala ko nung una, mamamatay na ang anak ko. Medyo may edad na kasi ako nung pinanganak ko siya kaya medyo komplikado na ang kalagayan niya. Wala akong ginawa kundi umiyak at nanglimos para lang mabayaran at mabuhay ang anak ko. Buti nalang at nakita ako ni sir, ” she continued.
“Ang bait naman po ng dad ni Jetro hindi halatang dad niya,” she laughed.
“Naku iyang si Jetro, halos wala yang kaibigan kahit noong bata pa siya. Hija alam mo ba, nung bata pa siya, inaway siya ng mga high school sa paaralan nila, tatlo sila, mag-isa lang si Jetro tapos pinatawag ng principal ang dad niya dahil napatumba niya ang umaaway sa kaniya,” we both laughed. Grabe hindi ko alam na marunong naman pala tong si Jetro.
“Talaga po? How old was he?” I asked.
“Siguro mga 10 hija,” my jaw dropped.
“For real? Grabe ang galing naman po ni Jetro. Ako naman po, I didn’t have the time to hangout with my classmates kasi po palagi akong nag p-piano lessons. Mom forced me to learn piano but I didn’t regret naman po. I just never experienced how the other kids play before.”
“Ayos lang yan hija, tingnan mo ang sarili mo, dalaga ka na. Sulitin mo ang oras mo hija. May boyfriend ka na ba?” my eyes widened.
“Wala po! I don’t have time for that, I’ll spend my whole teenage life into modeling workshop, piano and voice lessons. Ganyan ko po sinusulit ang oras ko,” I smiled.
“Hmm.. Matuto kang magmahal hija. Importante rin ang pagmamahal sa buhay ng isang tao pero siguraduhin mong hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo,” I can see her eyes, looks like she lost the one she loves that’s why she’s telling me those words, damn.
“Thanks po for the advice but I think self love is more important than that.” she cried again.
“Naalala ko tuloy ang mahal ko. Mas minahal ko siya kaysa sa sarili ko at hinding hindi ko yun pinagsisisihan. Alam mo hija, katulad mo rin ako noon. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na kailangan ng lalaki na mamahalin ko sa buhay dahil sapat na ang sarili ko pero dumating siya, yun ang pinakamasayang parte ng buhay ko,” I cried a bit grabe si lola nakakaiyak. But seriously, I don’t need a man.
“Nasaan po siya ngayon?”
“Wala, bigla nalang naglaho. Naku wag na nating pag-usapan to hija,” she patted my head.
“Siya po ba ang father ng anak mo?”
“Nag-aaral pa ako nung nawala siya. Palagi akong umiiyak sa klase at biglang lumapit sa akin ang isang lalaki. Palagi niya akong sinabihan na wag na raw akong umiyak at siya ang papa ng anak ko,” damn parang gusto ko nang isulat ang story nila. “Ilang buwan niya akong niligawan at ilang buwan ko ding sinabihan ang sarili ko na buksan ko muli ang puso ko para magmahal,” she continued.
“Love is nice and tragic at the same time,” bulong ko sa sarili ko. “Hmm...Interesting.”
“Yan ang palagi kong sinasabi kay Jetro, na buksan niyang muli ang kaniyang puso.”
“What do you mean muli po? He had a past relationship with someone?” she nodded. I’m surprised.
“Palagi niyang kinukwento sa akin ang babaeng yun pero hindi ko pa siya nakita. Hindi niya pinapapunta sa bahay kaya nga nagulat ako’t pinapunta niya kayo dito sa bahay, pero alam kong napakahalaga ng babaeng yun para sa kaniya, hindi nga siya lumalabas ng kwarto nung naghiwalay sila,” I went speechless for a second.
“What was the reason po kung bakit sila naghiwalay?” I think like I’m asking too much question, I’m gonna stop na. Si lola kasi ang galing niya mag-kwento.
“Wala siyang sinasabi sa akin hija. ”
“Sa tingin niyo po ba mas maganda yun kaysa saken?” I smiled and flipped my hair, tumawa si lola.
“Naku, sa tingin ko mas maganda at mas mabuti ka hija,” I put my hair behind my ears.
“That’s good lola. Walang mas maganda kaysa saken, of course,” parang kanina, umiiyak pa kaming dalawa pero ngayon, nagtatawanan na. “I think hinahanap na po nila ako, babalik na po ako sa taas,” ang haba ng pinag-usapan namin, parang bestie ko lang si lola.
Oh God, I wish my lola was still here, namimiss ko na siya.