Ito ay hango sa totoong kwento ni Marie, itinago natin sa kanyang tunay na pangalan. Siya ay nagtatrabaho sa isang club sa angeles city bilang isang waitress. Masayang-masaya ang kanyang grupo habang sila'y nagiinuman kasama ng ilang kostumer na banyaga. Habang naghi-hiayawan ang ilan sa kanilang kasama, sila Marie sa ay nagpi-picture taking gamit ang kanyang phone. Sa di inaasahang pagkakataon ay may kakaibang nilalang ang nasali sa picture katabi ng ilang dancers sa stage. Tiningnan nya ang stage at ang ilang dancers ngunit wala siyang nakitang kakaibang itsura. Ang babae ay galit na galit, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa camera. Maputlang maputla na tila galing sa hukay ang babae. Kamukha ni sadako. Sa takot nya siya ay napasigaw at huli na para burahin ang litrato, naagaw yon ng isa sa mga kasamahan nya habang nagsasaya. Hanggang sa kumalat ang nasabing litrato sa buong club.
Lahat kinilabutan sa kanilang nakita. Ang ilan ay hindi naniwala ngunit may ilang takot na takot. Pinakita ang nasabing litrato sa may-ari ng bar ngunit hindi ito naniwala, at tanging sinabi, "That's not true baby, I don't believe in ghost. It's edited." Pinakiusapan nila ang may-ari na pabendsiyunan ang nasabing establisyimento para matahimik ang kaluluwang nagpakita sa larawan, ngunit tumanggi ang may-ari. Ipinaliawanag naman ng kanilang manager kung bakit kailangan bendsiyunan ang gusali at sa huli ay napapayag naman nila ito.
Marami ang haka-haka tungkol sa babaeng nagpakita sa larawan, ang ilan sa sabi-sabi marahil ay may galit ang babae kay Marie dahil nagambala sya nito. At ang ilan ay sinasabing dati daw itong nagtatrabaho doon bilang dancer at pumanaw sa di malaman na sakit.