KAHIT NANG matapos sa pagkain ng hapunan si Bea ay hindi siya iniwan ni Basty. Napansin din niya ang pagiging clingy nito sa knaiya. Panay kasi ito dikit sa kaniya at matanong din. Kahit ang mga magulang nito ay napapansin din ang bagay na iyon at labis na kinababahala iyon ni Bea. Hindi dahil may naiisip siyang masama. Pakiramdam kasi siya ay mas nahuhulog ang loob niya para dito at talagang delikado iyon. Kaunti na lang ay gusto na niyang tawagan ang kaibigan at sabihin dito na tama ito. Na unti-unti na siyang nagkakagusto sa kaniyang inaalagaang pasyente. "Bukas ay pumunta tayo sa mall upang mg-shopping. Samahan ko ako!" ani Berna sa kaniya na kaagad namang kinontra ng kapatid. "Teka, ikaw ba ang may sakit dito? Bakit ba palagi mo na lang kinukuha ang atensyon ni Bea?" Tila iritablen

