MAINGAT SIYANG inalalayan ni Basty. Dahan-dahan ang naging mga hakbang nilang dalawa. Malakas ang pakiramdam ni Bea na pumasok sila sa silid ni Basty. Sa amoy palang ay alam niyang doon sila nagtungo nito. "Careful," bulong nito. "Bakit kasi kailangan pang may piring?" tanong niya habang ang mga kamay ay kumikilos. Inunat niya ang mga iyon upang makapa niya ang anumang bagay sa harapan niya. Kahit nakaalalay si Basty sa kaniya ay tila automatic na kumakapa ang mga kamay niya. "Surprise nga, di ba?" Natatawang wika nito. "Malapit na tayo." Ilang hakbang pa ang ginawa niya at maya-maya pa ay narinig niyang bumukas ang sliding door. At tama nga siya dahil naramdaman niya ang panggabing simoy ng hangin. "Malapit na. Nandito na tayo." "Tanggalin mo na kaya," aniya. Ganoon nga ang nangyar

