Diane’s Point of View Dumating ako sa admin office. Naghihintay na si Marites sa labas. Tumango ako sa kanya at sumunod siyang pumasok sa akin. Kasama niya ang tatlong dating accountant ni lolo at isang accountant galing sa Hacienda Soledad. “Ma'am,” Bati ng isang empleyadong hindi ko kilala. “Pakikuha lahat ng resume ng lahat ng empleyado ng admin pati accounting,” Utos ko. “Bakit, ma'am?” nagtatakang tanong nito. “Trip ko lang,” Sarcastic na sagot ko. Saka ko siya tinaasan ng kilay. “Saka pakilabas lahat ng blue book. Buhat 2008,” Utos ko ulit. Pero walang tumitinag isa man sa kanila. “Narinig niyo ba ako?” Naiiritang tanong ko. “Ma'am, excuse lang po. Pero sino po ba kayo? Kasi kay Ma'am Marriane lang ako susunod. Kung ano ang inutos niya iyon ang gagawin ko,” Mataray na sagot

