CHAPTER 14

611 Words

Diane’s Point of View Naligo muna ako bago ako naki-join sa lumalaking grupo ng mga nag-iinuman sa kubol. Pinaluto namin kay Nana Puring ang nahuli kong mga manok. Nagulat ako nang paglapit ko sa kubol, si Ace ay tawa nang tawa sa mga jokes ni Tonyo. Bumabangka na naman ang damoho. “Nakakatakot din si Ace kahit tumatawa,” Sabi ko sa mga kaibigan ko na pulang pula na, dahil sa lambanog o kakatawa? “Kanina pa ‘yan. Akala ko nga itutumba ni Ace noong hiniritan, akalain mo napatawa pa,” sagot ni Sam. “Ang sakit na ng panga ko,” Tumatawang sabi ni Lise. Hinimas-himas ang panga nito. “Señorita!” Nako, nakita na ako ni Tonyo. “Salamat at nakakuha ako ng 10% sa pustahan. Galante pala ang mga prens mo. Kami dito bente-bente ang pusta. Sila libo-libo. Kinuha ko na rin silang Ninong at Ninang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD