Unedited Pagkatapos kong ayusin ang kumot ni Danica, nakatulog narin ito agad sa sobrang pagod. Masayang masaya ito kanina habang nakikipaglaro sa kapwa niya pasyente. Umupo ako ulit sa upuan na nasa tabi lang din ng higaan ni Danica nang may humawak bigla sa balikat ko. Agad akong napatingin sa likuran ko sa pag-aakala na si Jerviz iyon. Bigla akong napatayo ng makita kung sino ang humawak sa balikat ko. "Mommy?!" Bahagya akong napasigaw ng mga oras na iyon na ikinagalit naman ng isang pasyente. "Miss, gabi na. Magpatulog ka naman. Kanina ka pa salita nang salita diyan. Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong nito sa naiiritang boses. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil nakatitig lang ako sa mukha ni Mommy. Mukha na akala ko hindi ko na makikita pa kailan man. Bigla na lang tumul

