Unedited "I'm he's fiancé right Jerviz?" Boses ng isang babae ang pumutol sa mga sasabihin ko pa dapat kay Jerviz. Nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa higaan ni Jerviz. Hindi ako makapagsalita dahil nabigla ako ng makita ito doon sa bahay ni Jerviz. Paano siya nakapasok? May sariling susi ba siya ng bahay? Iyon ang mga katanungang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Nang makalapit na ito kay Jerviz, umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang noon ni Jerviz. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nagtitigan rin habang nasa noo parin ni Jerviz ang isang kamay ni Dennise. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya darling?" Maarteng saad ni Dennise habang hinahaplos ang mukha ni Jerviz. Nagtitigan silang dalawa na para bang walang ibang tao sa paligid nila. Na tanging sila lang ang

