Unedited Minsan masasabi natin na ang unfair naman buhay. Marami tayong mga katanungan sa sarili kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. At bandang huli malalaman na lang natin ang mga kasagutan. Noon naitanong ko rin sa sarili kung bakit kami iniwan ni Mommy? Bakit namatay na lang bigla ang Daddy? Bakit nagkasakit si Danica ng leukemia? Lahat ng 'yon pumasok sa utak ko lalong lalo na sa panahong hindi ko na alam kung saan hahagilap ng tulong. Kung paano matustusan ang pangangailangan ng kapatid ko. Ang mas mahirap pa doon ang makitang nag-aagaw buhay ang mahal mo na wala ka namang magawa kundi ang manalig sa Diyos at sa mga taong nag-aasikaso sa kapatid mo. Flashback Unang araw ni Danica sa hospital noon. Dinala ko siya dahil sa mga pasa niya sa katawan. Pagdating namin ng hos

