Unedited Nakatayo ako sa balkonahe ng kwarto na kinaroroonan namin ng mga oras na iyon at tinatanaw ang kabuuan ng paligid. Gabi na kasi kaya maganda ang mga tanawing makikita mo mula sa mataas na bahagi ng beach resort na pinuntahan namin. "Wow! Ang ganda naman dito Jerviz!" sabi kong hindi mapigilang mapasigaw habang nakadipa ang mga kamay at sinalubong ang pag-ihip ng hangin. "Nagustuhan mo ba Kate?" tanong niya sa akin sabay yakap sa bewang ko at pinatong ang ulo sa pagitan ng leeg ko. "Sobra. Thank you Jerviz," sabay halik sa labi niya. "You're welcome love." Sabi niya sabay ganti nang halik sa labi ko. Ilang minuto muna kaming nanatili sa ganung posisyon saka niya ako dinala sa ibaba ng resort room namin dito sa Fiji. Naglakad kami sa tulay na yari sa kahoy na may mga na

