Nang kahapunan ng araw na iyon ay lumawas na muli pa Manila si Titus at iniwan ang kapatid sa mansyon ng mga Valero. Habang nasa mansyon ay nililibot lang ni Vi ang paningin sa kapaligiran. Kapansin pansin na tahimik ang buhay sa probinsya kumpara sa Manila. Napansin din niya na kahit magkakalayo ang bahay dito ay mukhang magkakakilala at close pa din ang lahat ng mga tao. Kaya naman dahil sa kuryusidad niya ay nagpasya siyang magalakad lakad muna dahil hindi anman na tirik na tirik ang araw at malapit na ngang lumubog ito. “It’s nice to watch the sunset until that day,,” sabi niya sa sarili habang nakatingin sa mga ulap. “Mga manong at manang, maglalakad lang po ako sa labas tutal babalik din po ako bago maghapunan.” paalam ni Vi sa mga kasambahay ng mansyon “Sige hija, basta kung kai

