Gaya nga ng sinabi ni Vi ay sumakit ang katawan niya kinaumagahan kaya naman hindi niya nagawang lumabas kasama ni Yuki. Pero laking gulat na lamang niya ng biglang pumasok sa kwartong inuukupa nya si Yuki na may dalang sopas. “Sabi ni manang kahapon masakit daw ang buong katawan mo, kaya umuwi na lang ako. Pero dahil wala naman masyadong customer sa kainan namin ni Iñigo naisipan na kitang dalawin at kamustahin.” Pagpapaliwanag ni Yuki saka ibinaba ang hawak na tray sa side table. “Ok lang naman ako, masakit lang talaga yung katawan ko? Ikaw ba kamusta?” Sagot ni Vi saka inayos ang pagkakaupo sa kama. “Ok lang naman, busy lang kami kahapon. Madami kasing dayo na pumunta para kumain sa kainan namin kaya ayun medjo pagod kami ni Iñigo.” Ika ni Yuki saka umupo sa kama ni Vi at nilagay ang

