Makalipas ang dalawang araw ay pumasok na din sina Vi, SKy, Sam, Khiel at Titus. Hindi na siya nagulat ng pilit siyang inihatid ng kapatid patungo sa M.A.B.
“Dito na din kita susunduin mamaya, huwag kang magpagutom, tatawagan kita para masigurong kumain ka. Malalaman ko kung hindi ka kakain Vi kaya huwag mong hintayin na subuan pa kita ng lunch mamaya” sabi ni Titus kay Vi bago ito makababa ng kanyang kotse.
“Take care” huling pasabi nito ngunit kinawayan lang siya ni Vi at naglakad na papasok na M.A.B.”
Wala pa din sa sarili si Vi ng makapasok sa school. Alam niyang ilang araw na ang nakalipas simula noong uminom sila, ngunit parang nararamdaman pa din niya ang alcohol sa katawan.
“Buti naman at naisipan mo ng pumasok” sarkastikong sabi ni Hail sa kaniya.
“Huwag ngayon Hail, masakit pa din ang ulo ko” sagot niya sa kaibigan
“‘Yan kasi inom inom tas hindi naman pala mapapanindigan. Karma niyo yan hindi kasi kayo nagshashare” sagot naman ni Maky saka hinilot ang sintido niya.
.
Umiling na lang si Vi sa mga piagsasabi ng mga kaibigan at nagpaubaya na lang sa pagmamasahe ni Maky sa ulo niya.
“Oh, isa pa yung isa diyan iinom inom tas matutulog lang, tama ba ‘yon ha Sam” ika muli ni Hail habang tinitignan si Sam na kakapasok lang ng kanilang classroom.
“Jusko, di ko nga inaakala na makakatulog ako, I swear di na talaga ako iinom, napakasaket ng ulo ko kahapon, yungt tipong mahahati na.” ika ni Sam saka naglakad papunta sa kanyang upuan.
“Wala pa din si Sky?” tanong nito ng mapansing wala ang kaibigan.
“Absent pa din ata siya, masyado niyo kasing nilasing eh” sabi muli ni Hail sa kanya.
Nang tumunog ang campus bell ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang upuan at naghanda na para sa kanilang pang umagang klase.
*** *** ***
“Bro, buti naman at nakapasok ka na” bati ni Shawn sa bagong dating na si TItus na aagd din naman niyang tinignan,kaso nung nagkatama ang kanilang mga mata ay agad din siyang umiwas ng maalala ang sinabi nito sa kanya noong nakaraan.
“Syempre, baka masyado niyo ako ma-miss eh kaya pumasok na ako” sagot ni Titus kay Shawn
“Pumasok na ba si Vi?” tanong ni Khiel na ngayon ay nakaupo sa kanyang upuan
“Syempre, naman. Bakit parang wala si Lance? Absent?” tanong ni Titus sa kanila pero sya na ang sumagot.
“May sakit daw si Lance kaya absent siya, ang weird nga eh ok lang naman siya kahapon tas ngayon may sakit na” sagot niya dito.
“Baka may love-nat si Lance kaya siya absent, o kaya naman baka tumatakas lang siya sa recit” ika ni Shawn na may pabibong tono.
“Loko loko ka talaga Shawn, mamaya totoo pa lang may sakit yun edi kawawa naman” ika muli ni Khiel sa kausap
“Trust me, malakas ang feelings ko na wala talagang sakit yun” proud at siguradong sagot ni Shawn sa kanila na ikanailing na lang nilang lahat.
Tumunog na din ang campus bell kaya nagsihanda na lang din sila sa kanilang pang umagang klase.
Nang matapos ang 2 suby ay may ilang minuto silang bakante dahil hindi pa dumadating ang kanilang professor. Kaya naman hindi na maiwasang magtanong ni Shawn kung saan daw ba sila kakain ng lunch, at kung sino ang manlilibre.
“Dali na sinong willing manlibre sa inyo, alam kong mayaman naman kayo, kaya ilibre nyo na ako,, sige na” pangungulit ni Shawn sa mga kaibigan dahil wal ni isa sa kanila ang gusto siyang ilibre.
“Puro palibre lang ang alam mo, kailan mo kaya kami ililibre gaya nung kasama mo sa coffee shop noong nakaraan” ika ni Theo na ikinailing ng kausap
“Coffee Shop? Lumabas kayo ng hindi ako kasama, padramang tanong ni Titus sa kanila.
“May gagawin ka kasi nuong araw na ‘yon kaya si Vi na lang ang inaya naming lumabas nila Lance, Khiel saka nakita lang namin itong loko loko doon kasam ang bagong chix” pagpapaliwanag ni Theo sa kanya.
“Hindi ko siya bagong chix, jusko loyal ata ako noh” ika ni Shawn na kalaunan ay ikinailing nilang lahat maging ang kanilang mga kaklase. Hindi pa niya nagawang depensahan ang sarili dahil pumasok na ang kanilang professor. Kaya naman nakinig na lang sila sa kanilang klase hanggang mag break time na.
“Sat Cafe tayo, gusto niyo ba?” tanong niya sa mga kaibigan na kalaunan ay ikinagulat niya dahil sabay sabay pa itong sumang ayon.
“Himala ata, walang nagcocomplain na malayo ang lalakarin natin papunta doon” tanong nito muli, ngunit walang sumagot ni isa sa kanila at nauna pa ngang naglakad ang mga ito. Habang sila ay naglalakad paapuntang Sat cafe hindi niya maiwasang mapatinggin kay Titus lalo na at alam na niyang magkapatid pala sila ni Vi.
“Matutunaw na ‘yan sa kakatitig mo” pabulong na sabi ni Shawn sa kanya na may halong pagaasar. Ngunit hindi niya na lang ito mas pinansin pa dahil mas lalo lang siya nitong aasarin. At dahil hindi niya napapansin ang paligid niya hindi na din niya namalayan na nakarating na pala sa M.A.B. building.
“Oh, saan niyo gustong umupo” tanong ni Shawn sa kanila habang ipinapalibot niya ang tingin sa Sat cafe at hinahanap si Vi.
“Kahit saan pwede na basta may mauupuan” sagot ni Khiel sa kanila saka umupo sa isang bakanteng lamesa. Habang sila ay nakaupo hindi pa din niya mapigilang ipalibot ang tingin upang hanapin si Vi, kaya naman noong nakita niya ang isa sa mga kaibigan nito ay tumayo siya upang itanong kung nasaan ito.
“Hey, friend mo si Vi diba?” tanong niya sa babae.
“Oo, bakit? May kailangan ka ba sa kanya?” tanong muli ng kausap.
“Alam mo ba kung nasaan siya?Kanina ko po kasi siya hinahanap eh, at ano nga ulit name mo” casual niyang tanong dito.
“Maria Kyra Gwenivire, Maky for short.” pagpapakilala niya saka sinabing “Hindi kakain si Vi ng lunch, kailangan kasi nila mag makeup para sa na missed nilang task kahapon” sabi nito saka nagpaalam na aalis na at may gagawin pa daw ito para sa kanilang pag hapon na klase.
Kumain lang silang magkakaibigan si Sat cafe at kapagkuwan ay nagkwekwentuhan pero hindi siya nakikinig sa mga ito dahil iniisip parin niya si Vi. Nang matapos silang kumain ay nagsibalikan na sila sa kanilang building at umattend na ng pang hapong klase.
Kinaumagahan ay sinabi muli ni Theo na sa Sat cafe sila kumain ngunit hindi pa din niya nakita si Vi gaya kahapon at sa mga sumunod na araw din ay wala ito sa Sat Cafe. Kaya ng dumating ang Biyernes hindi na niya natiis tanungin si Titus.
“Iniiwasan ba ako ni Vi?” casual nitong tanong habang sila ay naglalakd papuntang parking lot dahil uwian na.
“Huh? Bakit ka naman iiwasan ng kapatid ko?” pabalik nitong tanong sa kanya.
“Pano kasi sinabi ni Shawn ang tungkol sa amin ni Raine at sinabi din niya ang rason kung bakit ako nagiging mabait sa kaptid mo” pagpapaliwanag niya.
“Kung iniiwasan ka man ni Vi wala na akong alam diyan kasi may sarili naman siyang desisyon at may tiwala ako sa kanya, kaya kung feeling mo iniiwasan ka niya bakit hindi mo subukang hanapin siya para makapagpaliwang.”
“Magpaliwanag?” mahina siyang natawa saka sinabing “Ano naman ang sasabihin ko, na mahal ko pa si Raine, na kahit niloko niya ako at pinagsabay kasama si Rylen ay mahal ko parin?” sagot nito na ikinatahimik lang ng kaibigan.
“Kung gusto mong makalimutan si Raine, buksan po ang puso mo para sa ibang tao kasi baka mamaya magaya ka sa akin na lunod pa din sa pagmamahal kay Amora” sabi ni Titus saka tinapik ang balikat.
“Huwag mong madiliin ang makalimot dahil baka mas makasakit ka pa ng iba, at ang mas malala baka masaktan mo pa ang taong lubos na nagmamahal sa’yo” pagkasibi ni Titus ay nauna na itong naglakad papunta sa kotse niya.
Nang makaalis ang kaibigan ay naisipan niyang kunin ang cellphone na nasa bulsa at tinawagan ang taong kinamumuhian niya.
“Last time I heard ayaw mo sa akin, pero bakit mo ako tinawagan, huh? Theo Alvarez?” ika ng kausap sa kabilang linya.
“God knows kung gaano kita gustong pagsasapakin sa oras na ‘to Rylen pero para sa pagkakaibigan natin gusto kitang makausap. Yung tayong dalawa lang”
Mahinang natawa ang nasa kabilang linya saka sinabing “Sure, magkita tayo para mapagusapan natin ang lahat ng kailangang pagusapan.” ika nito saka sinabingmagkita sila sa isang bar mamayang gabi.
*** ***
Alam ni Vi na laging kumakain si Theo sa Sat cafe nitong mga nagdaang araw, pero iniiwasan niya ito dahil gusto niyang protektahan ang kanyang puso. Ayaw niyang mas umasa at masaktan pa na mapapansin siya nito bilang kung ano at sino siya dahil baka mas masaktan lang din siya sa huli.
“Tell me, iniiwasan mo ba si Theo?” tanong ng kapatid niya habang nagmamaneho ito pauwi ng bahay nila.
“May rason ba para iwasan ko siya” pabalik niyang tanong saka sinabing “Oo, iniiwasan ko nga siya”
“Sabi na nga ba eh, Alam mo bang doon kami kumakain sa Sat cafe this past few days para lang makita ka, kaso maski anino mo ay hindi namin nakita” sabi ng kapatid niya.
“Ayaw ko ng mas masaktan at umasa pa Kuya, At saka wala din namang magbabago eh, mahal pa niya yung Raine. Habang ako nandito umaasa na mapansin niya pero mukhang magiging kathang isip na lang iyon kasi ni minsan hindi niya naman ako napansin bilang ako” sagot niya saka tinuon ang buong atensyon sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga kotseng dumadaan.
*** ***
Mas naunang dumating si Theo kaysa kay Rylen kaya naman nag order na siya ng ilang bote ng cuervo at saka nagsimulang uminom habang naghihintay. Pero hindi pa nito nakakalahati ang alak ng may tumikhim sa tabi niya at umupo sa katabing upuan.
“Sorry, na traffic ako. Ano ba ang gusto mong pagusapan?” paninimula ni Rylen
Tinitigan niya ito saka sinabing “Kung ano ba ang nangyari noong araw na nakita kong magkasama kayo ni Raine, yung araw na inahas mo ang babaeng naging sentro ng mundo ko at tinalikuran ang pagkakaibigan natin”
SEE YOU ON NEXT CHAPTER:)))
! PLEASE CONTINUE SUPPORTING !
- CiTrineLily -