CHAPTER 06

2360 Words
Nang matapos ang pang umagang klase ay agad namang nagpaalam si Vi sa mga kaibigan na pupunta ito sa lib arts building dahil daw kukunin niya ang phone niya sa kanyang ‘kaibigan’, nagpupumilit sumama ang mga ito pero hindi siya pumayag kaya naman wala silang nagawa kung hindi hayaan siyang pumunta magisa. Habang siya ay naglalakad papuntang lib arts building ay hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa iisiping makikita muli niya si Theo matapos ang ilang mga araw. Hindi naman sa namimiss niya ito pero parang ganoon na nga. Nang makarating siya sa gate ng building agad niyang ipinakita ang kanyang school id sa guard saka sinabing “sa yellow cafe po”, tumango naman ang guard bilang tugon saka siya pinapasok. Dahil sa matagal na itong hindi nakapasok doon, hindi niya mapigilang mapatinggin sa mga posters, wall designs at mga iba pang nakamamanghang bagay at palamuti sa building. At dahil sa pagkamangha hindi niya namalayan na bumukas pala ang pintuan ng classroom na nasa tabi niya, at sa kasamaang palad natamaan siya ng pinto sabay napa upo sa hallway “Aray ko po!”. “Hala Miss Sorry, hindi ko naman alam na may tao pala” ika ng isang lalake na salarin kung bakit siya natamaan. “Sa susunod kasi huwag mong ilabas sa pintuan ang galit mo yan tuloy natamaan ako” sabi ni VI na puno ng sarkasmo. “Pasensya na talaga hindi ko sinasadya” ika muli ng lalaki saka siya tinulungang tumayo at kunin ang ibang gamit sa sahig. Aktong magpapsalamat na sana siya ng biglang may tumawag sa kanya mula sa loob ng classroom. “Hey Ms. Coffee!!!! Este Victoria pala” sabi ng isang lalaki na kaibigan ni Theo na Shawn ang pangalan kung hindi siya nagkakamali. Well, ano namang pakialam niya kay Shawn eh si Theo naman ang gusto niya. “Uy,Hello dito pala ang classroom mo” bati niya dito saka nginitian ng bahagya at pinalibot ang tinggin sa mga estudyanteng nasa loob ng classroom. “May hinahanap ka?” tanong muli ni Shawn sa kanya ng mapansing pinapalibot niya ang tingin sa buong classroom. “Ah,,eh andyan ba si--” hindi na niya natuloy ang iba pang sasabihin ng bigla na lang siyang binati ng kapatid na nasa loob din ng classroom “Hey Kate anong ginagawa mo dito” ika ng kanyang kapatid saka naglakad papunta sa kanya “Grabe naman magkasama lang tayo kagabi tas ngayon pati sa classroom sinusundan mo ako” puno ng sarkasmong sabi ni Titus sa kanya saka siya niyakap sa harap ni Shawn at Lance “Asa ka, ni hindi nga ako nag enjoy kagabi eh” tugon naman niya sa kapatid habang nagpupumiglas sa yakap nito. “Anyways mauuna na ako sa’yo kasi may practice kami for presentation” sabi ng kapatid saka may binulong sa tenga “Nasa loob si Theo, shoot your shot little sis” sabi ng kapatid saka ginulo gulo ang buhok at naglakad papalayo. “Umm so mukhang close talaga kayo ni Titus ah” sabi ng lalaking nakatama sa kanya. “Oo naman simula pagkabata close na kami kaso nga lang naging distant kami ng slight noong namatay si Amora” sabi niya dito saka nginitian. “Btw, Ms. Coffee bakit ka nga pala andito? Si Titus ba talaga ang pinunta mo?” tanong muli ni Shawn “Ano ka ba hindi ko pupuntahan yun noh” singhal niya dito. Sino naman ang nasa tamang pag iisip ang makakapagsabi na kaya siya naglakad papuntang lib arts ay dahil lang sa kapatid niya. “Eh kung ganoon ano pala ang pinunta mo dito at nagabala ka pang maglakad from M.A.B. to libarts?” tanong muli ni Shawn. Sasagot na sana siya muli ng bigla na lang magsalita ang isang pamilyar na boses. “Ako ang pinuntahan mo pero si Shawn ang kinakausap mo?” ika ni Theo saka sila nilagpasan at naglakad magisa. Dahil sa ginawa niyang iyon sumipol ang taong nakatama sa kanya at sinabing “Someone's JELLY”. Tinignan niya ito ng masama at laking gulat na lang niya ng akbayan siya ni Shawn at sinabing “Tara Ms.Coffee lilibre ktia ng lunch” tumango naman si Vi bilang tugon at nagpaubaya kay Shawn hanggang sa makarating na nga sila sa ‘yellow cafe’ ngunit limit sa kaalaman ni Vi magka grupo pala si Shawn at Theo kaya naman magkakasama silang lahat sa iisang lamesa. Siya at si Shawn ay magkatabi at si kabilang side naman ay si Theo at yung taong nakatama sa kanya na nagngangalang Lance. Hindi pa nga lang sila nagsisimulang kumain ay ramdam na niya ang tensyon sa kanilang kinauupuan. Paano ba naman kasi ang dilim ng mga mata ni Theo samantalang si Shawn naman ay nakaakbay pa din sa kanya hanggang ngayon. “Ms.Coffee anong gusto mong kainin lilibre kita.” pukaw ni Shawn sa atensyon niya. “Kung anong sa’yo yun na lang din sa akin” sabi niya ng may mahinhin na boses “Tara na Lance bili na tayo ng food, iwanan muna natin si Ms.Coffee at Theo dito” sabi niya saka pwersahang hinila patayo yung lalaking nagngangalang Lance. Tahimik lang silang dalawa habang nasa lamesa hanggang sa kinuha ni Theo mula sa kanyang bulsa ang cellphone niya at inabot sa kanya “Sa susunod tignan mo maigi ang mga gamit mo, pasalamat ka at sa kotse ko mo ito naiwan”. “Salamat, buti na lang at ikaw ang nakapulot kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko” nakangiting sagot niya sa binata ngunit madilim pa din ang titig niya sa kanya kaya naman tinanong niya ito “May problema ka ba?” “Wala naman” tugon ni Theo sa malamig na boses saka binuksan ang isang makapal na libro at naghighlight. Dahil sa katahimikan sa paligid naisipan na lang ni Vi na magpatugtug ng ‘calming music’. “Sabi sa psychology class namin makakatulong daw ang ganitong genre ng music kapag nagaaral, sana makatulong sa’yo Atty”. Sabi niya kay Theo saka kinuha ang isang libro ni Theo at binasa ng walang paalam. “Gusto mo tulungan kitang magaral?” suhestyon ni Vi “Wala ka din namang alam dito kaya huwag na,baka sumakit lang ang ulo mo” “Aysus wala ka bang bilib sa akin Atty? Di mo lang naitatanong parehas na abogado mga magulang ko kaya may alam ako kahit konti” puno ng pagmamalaki na sagot ni Vi “Sige nga subukan kita; ano ang laman ng ARTICLE 151 ng Revised Penal Code?” Taimtim na nagisip si Vi saka sinagot si Theo “ Article 151. Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such a person. In short sinasabi dito kung ano yung mga punsihments na haharapin ng mga agent if nagsinungaling sila kaso ang mga punishments nila ay depende kung gaano kalala ang ginawa nila. Pwede silang makulong o kaya naman pagbayarin ng malaki” Hindi nakaimik si Theo sa sinabi nito “Wow, talaga bang alam mo yan o baka naman sinearch mo lang.” sabi niya na may halong pangaasar. “Hindi ahh halos namemorize ko na nga yung revised penal code dati dahil tinutulungan ko yung kapatid ko na mag-aral” sabi niya dito. Napakurapkurap si Theo sa sinabi ni Vi “May kapatid ka?” gulat na tanong nito “Oo” kaswal nitong sagot saka tinignan muli ang libro ni Theo. HIndi naman na inusisa ni Theo kung sino ang kapatid niya kaya naman hindi niya pa din alam hanggang ngayon na ang taong pinagseselosan niya ay kapatid pala ni Vi. “Ms.Coffee, huwag mo masyadong hawakan iyang libro ni Theo baka mabasa nanaman” natatawang sabi ni Shawn habang hawak ang dalawang platong may kanin,shanghai at tatlong hiwa ng cordon bleu. “Wow shanghai, masarap ang shanghai dito sa ‘yellow cafe’, salamat sa libre” nakangiting sabi niya saka ibinalik ang libro ni Theo at kinuha ang platong hawak ni Shawn “Libre ko yung pagkain pero parang kulang tayo ng panulak” sabi ni Shawn saka tinignan si Theo “Oh, Theo baka naman may painom ka diyan, diba Ms. Coffee gusto mo ng orange juice” sabi ni Shawn saka siya tinignan. “Ano ba ang gusto mo ililibre na lang kita tutal naman binilhan mo ako ng pagkain” sabi ni Vi saka kinuha ang wallet pero bago pa siya makapaglabas ng pera ay nagbigay na agad si Theo ng 100 pesos kay Shawn saka sinabing “Nakakahiya naman sayo baka mabilaukan ka”. “Aysus, ang sweet talaga ng Baby Theo ko” sabi muli ni Shawn bago umalis at bumili ng maiinom. “Bakit ka nga pala nagpapatugtog ng ‘calming music’ Ms.Coffee?” tanong ni Lance na ikinagulat niya. “Nagaaral kasi si Kuya Theo kaya nagpatugtog ako, makakatulong kasi ang calming music for relaxation and memorization” “Kuya Theo” natatawang sabi ni Lance “May mali ba sa sinabi ko? Mas matanda kayo sa akin kaya dapat ko kayong tawaging ‘Kuya’” inis na sabi niya dito. “Hindi lang kasi kami sanay na tinatawag na ganyan, ang weird lang pakinggan” sagot sa kanya ni Theo “Oo nga mas sanay kami sa first name basis kaya kung gusto mo Lance na lang ang itawag mo sa akin, maliban na lang kay Theo” “Huh?Eh ano naman ang itatawag ko kay Kuya Theo?” tanong nito kay Lance ngunit hindi ito ang sumagot kung hindi si Shawn na may dalang 4 na bottled juice. “Tawagin mo siyang Love,Babe,Baby o kaya naman Hubby. Mamili ka sa apat na sinabi ko” sabi sa kanya ni Shawn saka inabot at pinagbuksan ng bottled juice. “Bakit ko namang tatawaging ganon si Kuya Theo eh mas may respeto ang Kuya keysa sa mga sinabi mo” sagot niya muli kay Shawn “Trust me Ms. Coffee magiging iba ang effect noon kay Theo malay mo dahil sa’yo maka perfect pa kami sa presentation mamaya” nakangiting sabi ni Shawn saka nagsimulang kumain. Habang kumakain silang 4 ay nagdidiscuss naman din sila para daw sa kanilang presentation mamaya. Walang nagawa si Vi kung hindi makinig sa mga pinagsasabi nila kahit wala siyang lubos na maintindihan. “Oh siya tutal tapos na tayong kumain, i-finalize na lang natin yung mga presentation slides para sure na ok ang flow” sabi ni Lance saka binuksan ang kanyang laptop upang buksan ang kanilang presentation. “Jusko, basta andyan si Theo sure na perfect tayo” sabi ni Shawn saka nag thumbs up “Ang laki mo talagang pabuhat De Luna” sabi ni Theo saka uminom ng juice “Goodluck sa inyo. Alam kong kaya niyo nyan.” sabi ni Vi sa kanila. “Pano ba yan Theo may pa goodluck ka na kay Ms.Coffee aasahan na ba namin ang pa nomi mo mamaya” sabi ni Lance saka tinapik tapik ang balikat nito at saka tinuon muli ang atensyon sa laptop screen. “Sa susunod huwag mo siyang bigyan ng surprise attack Ms.Coffee tignan mo namumula na tuloy” sabi nito sabay turo sa mukha ni Theo na nagiging kulay kamatis. “Ok ka lang ba?” pangaasar naman ni Vi sa mukha nito pero ng hindi siya sumagot ay inaasar muli ito ng mga kaibigan. “Dapat na ba akong magselos huh Baby Theo” pangaasar nanaman ni Shawn na ikinatawa nilang lahat. Nagpatuloy lang sila sa pagrerecheck ng kanilang powerpoint presentation hanggang sa naisipan nilang bumalik na sa classroom upang hindi daw sila ma late sa susunod na subject. Kung kanina ay kasabay ni Vi maglakad si Shawn ngayon ay kasama niya na si Theo at hindi lang iyon hawak din nito ang ilang libro na hawak niya kanina. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa classroom nila at saka naman nagpaalam si Lance at Shawn “Ms.Coffee mauna na kami, si Theo na lang ang maghahatid sa’yo sa gate” “Salamat sa libre, sa uulitin, Goodluck” sabi niya kila Shawn at Lance saka naglakad papuntang gate kasama si Theo. “Paano ba ‘yan hindi na kita mahahatid sa M.A.B. malayo layo pa naman ang building niyo” “Walang problema maaga pa naman at saka exercise na din dahil sobrang nabusog ako sa pa libre ni Shawn, at sa pa take out mo na shanghai”. Sabi niya saka nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating sa gate ng lib arts building. Ibinigay ni Theo ang gamit ni Vi saka sinabing “May I have you number?” sabay labas ng cellphone sa bulsa. “Sure, basta ba may pa shanghai take out ka sa susunod” pabirong sabi ni Vi saka sinabi ang number niya kay Theo ngunit hindi lang iyon ang nangyari dahil “Selfie tayo para may contact profile pic ako sa phone mo” sabi niya saka inaya si Theo na mag selfie together para sa contact profile pic niya. “Thank you!” sabi ni Theo saka ibinalik sa bulsa ang cellphone. “Mauuna na ako Kuya Theo, galingan mo mamaya ah” sabi ni Vi ngunit bago pa ito makaalis ay nagsalita muli si Theo “I prefer ‘Love’ than ‘Kuya’.” sabi niya saka ngumiti ng mapakla. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Vi saka liningon muli si Theo “Goodluck sa presentation Love alam kong kaya mo yan! Fighting Atty!” pagkasabi niya noon ay dali dali siyang tumakbo paalis sa libarts building upang maitago ang naghahalong kilig, tuwa at kahihiyan” “I’ll call you later! Ingat ka!” pabalik na sigaw ni Theo kay Vi na tumatakbo palayo. Natawa na lang ito dahil kahit siya ay tumatakbo ay kumawaykaway pa din ito sa kanya. “I shouldn't fall in love with you because I’m just using you to be my temporary happiness.”sabi ni Theo sa sarili saka naglakad pabalik ng kanilang classroom. SEE YOU ON NEXT CHAPTER:))) ! PLEASE CONTINUE SUPPORTING ! - CiTrineLily -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD