Ilang araw rin ng hindi ako pumasok sa L'CASA. Iniiwasan ang nangyari at ang gustong mangyari sa akin ni Miss Jean. Pinagpipilitan sa akin ang kontrata na maghahatid sa akin kay Prince. Okay sana kung hindi ko kilala, at least makakapagtrabaho ako ng maayos, kaso hindi eh.. Naiimagine ko na kung ano ang magiging reaksyon niya kapag makilala niya ako. Siguradong ikakahihiya niya ako at pagtatawanan dahil sa isang mababa ang lipad na babae. " Kumusta Jaz?". Si Kate na busy sa kanyang negosyo. Iba rin talaga itong kaibigan ko na ito, kahit hindi na magtrabaho sa L'CASA, mabubuhay ang pamilya niya. Naka corporate attire na at papasok na sa opisina niya. "Ito Kulilat na sa trabaho, ..hehehe... Walang client ehh.", . nagulat kaagad siya sa sinabi ko. Dahilan ko yan palagi sa kanila kung baki

