CHAPTER 04

1700 Words
KUMAWAY siya kay Liam habang papalapit siya dito ngunit hindi man lang ito gumanti ng kaway sa kanya. Tinapos lang nito ang paninigarilyo at itinapon ang sigarilyo sabay apak doon. Sa tingin niya ay bad mood nga ito pero paniguradong matutuwa ito sa ibabalita niya. Magsaalita pa sana siya para kausapin ito nang makalapit na siya ngunit tumalikod ito bigla at naglakad papunta sa apartment. Siya ang nagbukas ng gate dahil wala naman itong susi. Hindi naman naka-lock ang pinto ng apartment kaya dire-diretso itong nakapasok sa loob. Umupo ito sa harap ng TV at binuksan iyon. “Bumili nga pala ako ng pang-adobo. Ako na bahala sa ulam natin mamayang hapunan. Natanggap kasi ako sa trabahong pinag-applyan ko, Liam. Salamat sa iyo,” aniya habang hinuhugasan ang karne ng baboy sa lababo. “Mabuti naman kung ganoon.” Malamig na sagot ni Liam. “Bukas mag-uumpisa na ako. Nine ng umaga hanggang nine ng gabi ang pasok ko.” “Mukhang close na agad kayo ni Bon, a. Hinatid ka pa.” “Ah, iyon ba? Nagmagandang-loob lang naman si Sir Bon. Teka, ano bang gusto mong luto ng adobo? 'Yong tuyo o may sabaw?” “Bahala ka. Basta lutuin mo.” Sa pagkakasagot ni Liam ng ganoon ay napahinto siya sa ginagawa. Iniwanan muna niya iyon at nilapitan ito. Parang hindi naman yata niya kayang ipagsawalang-bahala ang init ng ulo nito. Malay ba niya, baka dahil sa kanya kaya mainit ang ulo ni Liam. Baka may nagawa o nasabi siya na hindi nito nagustuhan. Makakabuti na kausapin niya ito para hindi na lumaki pa kung meron mang problema. Lakas-loob niyang kinausap si Liam. “May problema ba, Liam?” tanong niya dito. Hindi ito umimik. Nakatutok lang ang mata nito sa telebisyon. “Kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan, sorry--” “Iyan. Iyan ang ayaw ko sa iyo, Earl. Masyado kang mabait, hindi ka marunong tumanggi. Kakakilala mo pa lang kay Bon pero sumama ka na agad sa kanya!” Natigilan siya ng sandali. “Boss ko naman si Sir Bon--” “Kahit na! Hindi mo pa kilala 'yong tao. Hindi porket boss mo na ay hindi na gagawa ng masama. Tandaan mo iyan. Isa pa, huwag kang masyadong mabait. Nasa Manila ka na, wala ka na sa probinsya. Halos lahat ng tao dito ay tuso. Kunwari’y mabait pero may masama palang balak sa iyo!” “T-tatandaan ko. Pasensiya na…” Napayuko siya. Nang tignan niya si Liam ay nakatingin ito sa kanya na para bang naiinis. Maya maya ay lumabot ang mukha nito. Tumayo ito at nilapitan siya. “Sorry kung napagalitan kita. Pakiramdam ko kasi dahil dito ka nakatira sa akin ay kargo kita. Kaya ayokong may mangyayari sa iyong masama…” Pati ang boses nito ay malumanay na rin. Tumango siya nang mabilis. “Okay lang. M-may point ka naman, e.” “Basta, tandaan mo lahat ng sinabi ko, Earl. Huwag ka basta-basta magtitiwala. At sana ay hindi ka mandiri sa akin. Alam kong nakita mo ang ginagawa ko kagabi. Oo, iyon ang trabaho ko.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkapahiya. Natigalgal siya. Hindi niya akalain na alam pala nito na gising siya kagabi. Baka isipin nito na binobosohan niya ito. “Ah, eh… Ano kasi…” “'Wag kang mag-alala, hindi ako galit. Alam ko naman na malalaman mo rin iyon. Kaya masanay ka nang gabi-gabi ay ganoon ang ginagawa ko. Pasensiya ka na.” Ngumiti si Earl sabay tapik sa balikat ni Liam. “Okay lang. Walang kaso sa akin iyon. Ang mahalaga ay nagtatrabaho ka, hindi mo ninanakaw ang perang kinikita mo. Sige, gawin ko na 'yong adobo,” aniya sabay talikod dito. May naramdamang tuwa si Earl dahil pinagkatiwalaan siya ni Liam na sabihin ang trabaho nito. At may isa pa siyang nararamdaman… Kilig? Dahil concerned ito sa kanya at ayaw nitong may mangyaring masama sa kanya. Sandali… Bakit naman siya kikiligin kay Liam? -----***----- TAOB ang isang kalderong kanin dahil sa lutong adobo ni Earl. Napasandal na lang si Liam sa upuan matapos kumain habang nakatingin kay Earl at nakangiti. “Grabe! Ang sarap mo!” bulalas niya. Gulat na napatingin sa kanya si Earl na tinatapos pa ang pagkain. Muntik pa itong mabulunan. “A-ano?” anito matapos uminon ng tubig. “Ang sabi ko, ang sarap ng adobo mo! Ano bang iniisip mo?” “Ang sabi mo kasi, ang sarap ko…” Kumunot ang noo niya. “Iyon talaga ang iniisip mo? Saka paano naman kita masasabing masarap? Bakit? Natikman na ba kita?” Natawa siya nang mamula ang mukha ni Earl sa sinabi niya. Kahit moreno pala ito ay halata pa rin kapag nagba-blush. Ang cute tuloy nitong tignan dahil naging uneasy ito. Nang matapos na ito sa pagkain ay tinulungan niya itong magligpit at maghugas ng pinagkainan nila. Ito ang nagsasabon habang siya naman ang nagbabanlaw kaya madali silang natapos. “Kailangan ko palang matulog ng maaga dahil simula na ng pasok ko bukas,” ani Earl nang matapos na sila sa paghuhugas. “Sige. Lalagyan ko na rin pala ng kurtina iyong sa tabi mo para hindi ka maeskandalo kapag nagtatrabaho ako!” Tawa niya. Binuksan niya ang aparador at kinuha ang isang manipis na kurtina. Itinakip niya iyon sa gilid ng kanyang kama upang hindi makita ni Earl ang ginagawa niya kapag nag-o-online siya sa boyslive.com. Habang kinakabit niya ang kurtina ay nakita niya sa gilid ng kanyang mata na naghubo ng shorts si Earl. Pasimple niya itong sinulyapan lalo na ang bukol nito sa pagitan ng mga hita nito. Malaki ang pagkakabukol kahit parang hindi pa naman gising. Napalunok siya nang kumulit sa kanyang imahinasyon ang nasa loob ng brief ni Liam. “Liligo lang ako.” Muntik na siyang mahulog sa pagkakatungtong sa gilid ng kama nang biglang magsalita si Earl. “O-okay.” Iyon lang ang tanging naisagot nita. Sinundan niya ito ng tingin. Ang tambok ng pwet nito. Nanghinayang siya nang pumasok na ito sa banyo. Nanghihina na napaupo si Liam sa gilid ng kama at pinunasan ang pawis sa kanyang noo sa pamamagitan ng palad. Ewan niya pero sa tingin niya ay naa-attract siya kay Earl. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng kaunting selos nang makita niyang inihatid ito ni Bon. Kilala niya si Bon, magkatulad sila. Mga mukhang lalaki pero kapwa lalaki rin naman ang gusto. Kaya naging madali rin para sa kanya ang trabaho niya ngayon. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit siya naglayas. Gusto niyang maging malaya at magawa ang gusto niya. Sawang-sawa na siya sa pagpapanggap na babae ang gusto niya. Kaya naman nang makalaya siya sa poder ng tatay niya ay doon na siya nag-umpisang makipagrelasyon sa kapwa niya lalaki ngunit sa apat na naging karelasyon niya ay walang nagtagal. May isang buwan, two weeks, three months at pinaka matagal na 'yong limang buwan. Kung hindi siya ang lumandi ay ang mga ito. Hanggang sa magsawa na siya. Tama na iyong fling na lang. No strings attached kumbaga. Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nag-iisip. Maya maya ay lumabas na si Earl mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya. Para itong walang pakialam sa mundo nnag alisin nito iyon at magsuot ng bagong brief. Iniisip siguro nito na wala ayos lang kahit maghubo’t hubad ito dahil parehas naman silang lalaki. Kung alam lang nito… -----***----- NAALIMPUNGATAN si Earl dahil sa mahihinang ungol na naririnig niya mula kay Liam. Alam niya na nagtatrabaho na naman ito. Dapat na siyang masanay. Sinulyapan niya ang kama nito at nanghinayang siya dahil may kurtina nang naghahati sa tulugan niya at sa kama nito. Tanging ang hugis ng anino na lang nito ang naaaninag niya. Nakaluhod ito at mabilis na gumagalaw ang mga kamay na nakahawak sa p*********i nito. Naramdaman niya ang pagkabuhay ng kanyang p*********i. Automatic niya iyong hinawakan at inilabas sa shorts. Hinimas-himas niya iyon habang nakatitig sa anino ni Liam. Hindi siya kumportable na magsarili nang nakahiga kaya naman tumayo na lang siya. Hindi naman siya makikita ng kasama dahil sa kurtina. Wala namang ilaw sa likod niya kaya hindi rin nito makikita kahit ang anino niya. Ibinaba ni Earl ang kanyang shorts at brief hanggang sa tuhod at inumpisahan niyang bayuhin ang kanyang matigas na p*********i. Sa sobrang sarap ng kanyang nararamdaman at sa naririnig niyang ungol ni Liam ay napapikit na siya. Para siyang dinadala sa mga ulap ng ungol nito, para iyong musika sa kanyang pandinig. Napakagat siya sa labi nang maramdaman niyang malapit na siya. Pabilis nang pabilis ang pagkagalaw ng kanyang kamay. Mas lalong himigpit ang pagkakasakal niya sa kanyang ari. Hanggang sa sasabog na siya. Hindi na niya iyon kaya pang pigilan pa! Bigla siyang napamulat nang marinig niya ang pagtunog ng kama ni Liam. Kasabay ng pagbukas ng kurtina ay ang pagpulandit ng mainit-init at malapot niyang katas. Huli na para pigilan pa niya iyon dahil lumabas na at ang nakakahiya pa nito ay tumama sa tiyan ni Liam ang katas ng kanyang pagnanasa. “s**t!” Hindi na niya napigilan ang pagmumura. Mabilis siyang tumalikod at kinuha ang kumot para ibalabal sa kanyang pang-ibaba. “S-sorry, Liam! Sorry!” Parang hindi na niya kayang humarap dito. Sa sandaling iyon ay gusto na niyang lamunin siya ng lupa. “Wow! Grabe ang talsik no’n, a. Ang layo! Ang lapot, o. Ilang araw mo itong inipon?” Palatak ni Liam. Natawa pa ito. Parang wala lang dito ang nangyari. Pumunta ito sa banyo at narinig niya ang paglagaslas ng tubig. Lesson learned. Hindi na siya tatayo at pipikit kapag nagsasarili siya. Pero nakakahiya pa rin! Paglabas ni Liam mula sa banyo ay hindi siya makatingin dito nang diretso. Agad siyang pumasok sa banyo upang maghugas. Halos iumpog na niya ang kanyang ulo sa dingding. Ang tanga mo talaga, Earl! Nakakahiya ka! Nakakahiya ka! At pinagalitan na nga niya ang kanyang sarili. Ngunit sa tingin naman niya ay hindi nagalit si Liam sa kanya kahit natalsikan niya ito. Haaay… Sa susunod talaga ay mag-iingat na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD