Chapter 7

1953 Words
Chapter 7 TAHIMIK AKONG kumakain kasama si mayor. Lahat ng pagkain ay inilapit talaga niya sa 'kin para maabot ko daw. Pero sa t'wing nakikita niyang wala ng laman ang plato ko ay nilalagyan na agad niya. "Love..'' tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sa 'kin. "Yes, love?" Agad uminit ang magkabilaang pisngi ko sa tawag niya sa 'kin. Bakit kasi love yung nickname niya tapos tinawag niya din akong love. "Anong oras tayo pupunta ng munisipyo? malapit narin kasi mag 9AM eh," tanong ko sa kanya. "Dito na muna tayo." Sagot niya agad. "Huh? A-Anong ibig mong sabihin, love?" Naguguluhan kong tanong. Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang may iniisip. "You don't have class later right?" Tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango. "Gusto mong pumunta ng ilog?" Tanong niya sa 'kin. "Ilog? May malapit na ilog po ba dito, mayo— uhmmm.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mabilis akong hinalikan ni mayor sa labi. Ipinasok pa talaga niya ang dila niya sa loob ng bibig ko kaya nataranta ako. Tinulak ko siya ng mahina kaya napatigil siya. "Sisipsipin ko palagi ang dila mo kapag tatawagin mo akong mayor, love." Nakangisi niyang sabi sa 'kin. Nakatulala naman ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin. Natauhan lang ako nang maramdaman kong pinitik ni mayor ng mahina ang noo ko. Masama ko siyang tinignan kaya tumawa siya. "Ililigpit ko lang ang pinagkainan natin saka tayo pupunta ng ilog." Sabi niya saka tumayo sa kinauupuan niya. "Tulungan na kita." Sabi ko saka ako tumayo habang hawak ang plato. Inagaw naman ni mayor ang hawak ko saka hinalikan ang kamay ko. "Ako na, love. Upo ka lang dyan!" Sabi niya kaya bumilis ang t***k ng puso ko. May sakit na yata ako sa puso. Magiging cause of death ko pa yata 'to si mayor. Talagang hindi niya ako pinatulong. Natapos siyang maghugas ng pinggan at agad na pinunasan ang mesa na pinagkainan namin. "Change your clothes, love. Hindi ka naman siguro maliligo sa ilog na naka ganyan." Sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Napangiwi ako. "Wala akong extra na damit. Hindi ko naman alam na dadalhin mo ko sa ilog." Nakangiwi kong sagot. "You can use my clothes, love. Ikaw na bahalang pumili do'n sa kwarto. May boxer short do'n na bago kaya pwede mong gamitin yun." Sabi niya sa 'kin kaya tumango ako. Tinuro niya sa 'kin ang kwarto kaya agad akong pumunta do'n. Bumungad sa 'kin ang minimalist na kwarto ni mayor. Meron 'tong king size bed sa gitna at bedside table. May mga nakasabit din na painting sa pader. May sliding door din 'to na naka konekta sa terrace. Napatingala ako sa kisame ng makita kong may salamin do'n. Nakatitig lang ako sa reflection ko ng ilang saglit saka ako nagpatuloy sa magarang aparador ni mayor. Binuksan ko 'to at at halos namangha dahil ayos na ayos ang damit ni mayor. Inaasahan ko kasi na magulo or may konting gulo man lang, pero hindi pala, sobrang pulido ang pakakatiklop ng mga damit niya. Bigla akong natigilan nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni mayor. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa 'kin. "Nakahanap ka na ng susuotin?" Tanong niya sa 'kin. Napangiwi ako saka ko isinara ang pinto ng aparador. "Hindi pa eh. Nakakahiya kasing guluhin ang laman ng aparador mo. Ang ganda tignan kasi, ang galing nang nag ayos niyan ha!" Sabi ko sa kanya kaya natawa ng mahina si mayor. "May pumupunta ba dito na maid mo, love?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Napailing siya saka lumapit sa 'kin. Binuksan niya ang aparador saka kumuha ng white tshirt. Kumuha din siya ng boxer short saka niya inabot sa 'kin. Hindi man lang nasira ang pagkaka ayos ng damit ni mayor. "Walang maid pumupunta dito, love. Bakit ko pa iuutos kung kaya ko naman gawin." Sagot niya sa 'kin. "Ibig sabihin.. ikaw ang nag aayos niyan?" Gulat kong tanong. Tumango naman siya saka kinurot ng mahina ang pisngi ko. "Bakit parang hindi ka makapaniwala na kaya kong maglinis?" Natatawa niyang tanong. "Eh kasi.. wala sa itsura mo. Akala ko nga hindi magiging maayos ang pagpapatakbo mo sa bayan eh. Tapos makikita ko ang kwarto mo na sobrang linis at ayos. Inaasahan ko talaga na magulo ang kwarto mo o mabaho. Pero hindi pala." Pagsasabi ko ng totoo. "Aray naman, love! Wag mong sabihin hindi mo ako binoto sa nakaraang eleksyon?" Tanong niya kaya napangiwi ako. "Sorry, hindi kita vinote eh." Sagot ko sa mahinang boses. "It's okay. Babaguhin ko nalang ang paniniwala mo sa 'kin, love. Ipapakita ko sa'yo na karapat dapat ako hindi lang mayor kundi pati narin ang maging asawa mo." Sabi niya kaya nanlaki naman ang mga mata ko. "Bakit asawa agad?" Naguguluhan kong tanong. "Ahh.. hindi pa ba. Akala ko makakalusot ako eh." Sagot niya kaya inirapan ko siya. Narinig ko naman siyang tumawa kaya pinabayaan ko nalang. Umalis ako sa harap niya saka ko tinungo ang maliit na pinto na nasa gilid. Binuksan ko yun at nakita ang banyo ni mayor na malinis. Parang mahihiya akong maghulog ng isang hibla ng buhok sa tiles ng banyo niya sa sobrang linis. "Bakit ayaw mo pa pumasok?" Tanong sa 'kin ni mayor. "Eh kasi ang linis ng banyo. Nakakahiya tuloy tumapak sa tiles." Sagot ko habang hindi siya nililingon. "Pwede mong dumihan yan, love. Akong bahala maglinis. Sanay ako dyan." Sagot niya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit sanay?" Kunot noo kong tanong. Umupo siya sa kama habang nakatingin parin sa 'kin. "My dad. Itinatak niya sa isip ko na hindi lang para sa babae ang gawaing bahay, para din daw yun sa mga lalaki. Wag daw iasa sa mga babae ang gawaing bahay lalo na kapag nag asawa ako. Hindi naman daw ako mag aasawa para gawing maid ang babae. Ituring ko daw na reyna ang asawa ko at pagsilbihan siya. Kaya simula ng bata ako, ako na ang naglilinis ng kwarto ko. Pinapaglitan ako ni daddy kapag nalaman niyang nag tatamad-tamaran ako. Kaya hanggang ngayon na matanda na ako na kaugalian kong maging malinis sa bahay na ako mismo ang gumagawa. Pati paglinis ng kubeta, ako din." Mahaba niyang sabi habang nakangiti. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. "Sige na magpalit ka na ng damit." Utos niya sa 'kin kaya tumango ako. Pumasok ako sa banyo saka ko inilock ang pinto. Hinubad ko lahat ng saplot ko saka ko isinuot ang malaking tshirt ni mayor at boxer short. Inayos ko ang hinubad kong damit para suotin ko mamaya pag uwi ko. Lumabas ako ng banyo at nakita si mayor na nakasuot na ng white sando at black short. Napadako ang tingin ko sa balikat niya maging sa braso niya dahil kitang-kita ko ang mga muscle niya. Siguro tambay 'to si mayor sa gym. Totoo talaga mga sinasabi ng mga bakla eh, yummy si mayor. "Are you done, love?" Tanong niya sa 'kin ng mapansin niya akong nakatayo. Tumango ako. Ngunit napatitig ako sa braso niya ng may mapansin ako. May tattoo siya sa braso at ang nakasulat ay òntref. Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n kaya hindi ko nalang papansinin. "Tara, love." Aya niya sa 'kin sabay hawak sa kamay ko. Inilapag ko na muna ang damit na pinagbihisan ko saka ako nagpatianod sakanya. Hinayaan ko lang si mayor na hawak-hawak ang kamay ko hanggang sa makababa kami ng tree house. Dumaan kami sa likod na puro puno ang nakikita ko. Ang tahimik din ng lugar at tanging maririnig ko lang ay huni ng mga ibon. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa may narinig akong parang agos ng tubig. Ilang sandali lang ay nakita ko ang ilog na sinasabi ni mayor. May mga puno din ng niyog sa di kalayuan. "Lagi ka ba dito, mayor?" Tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paghakbang saka tumingin sa 'kin. Magkasalubong ang kilay niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Natawag ko na naman pala siyang mayor. Akmang ilalapit na sana niya ang mukha niya sa 'kin ng maunahan ko siya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Ayan ha! Inunahan na kita." Sabi ko sa kanya. Gulat na gulat naman siya at halatang hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Halika na! Gusto kong maligo sa ilog, love." Dagdag kong sabi dahil hindi nagsasalita si mayor. "H-Hinalikan mo ko.." sabi niya na parang hindi parin makapaniwala. Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin. "Eh kasi.. baka sipsipin mo na naman dila ko kaya inunahan na kita." Sagot ko habang nakanguso. Unti-unti ay ngumiti sa 'kin si mayor. "Damn! Muntik ko ng makalimutan huminga. First time mangyari yun sa 'kin." Sabi niya. "Can you kiss me everyday?" Tanong niya kaya napailing ako. "Tumigil ka nga! G-Gusto ko ng maligo." Pag-iiba ko sa usapan. Nakakahiya naman kasi ang ginawa ko. Hindi gumalaw si mayor kaya hinila ko ang kamay ko saka naunang naglakad papunta sa ilog. Hindi pa kasi ako nakasubok maligo sa ilog kaya excited ako. Iniwan ko muna ang suot kong tsinelas saka ako naglakad sa gilid ng ilog. Hindi naman siya malalim. Malinis din ang tubig at malamig. Inilubog ko ang katawan ko sa tubig saka ko nilalaro ang tubig gamit ang kamay ko. Nakita ko naman si mayor na lumapit sa 'kin kaya napatigil ako sa paglalaro ng tubig. "Ang tahimik dito, love." Saad ko saka ako tumingala sa kalangitan. Hindi pa masyadong masakit ang tirik ng araw. "Yeah. Kaya dito ako pumupunta kapag stress ako." Saad niya saka mas lalong lumapit sa 'kin. "Property mo, mayor?" Biglang tanong ko. Huli na ng mapagtanto ko ang tinawag ko sa kanya. "Binibigyan mo talaga ako ng dahilan para mahalikan ka, Elizabeth." Saad niya saka niya ako hinila palapit sa kanya at mabilis na nilukumos ng halik ang labi ko. Hindi ko mapigilang hindi umungol ng kagatin ni mayor ang ibabang labi ko. Napahawak ako sa balikat niya ng sipsipin niya ang dila ko. "Uhmmm…" ungol ko habang sinasabayan ang ginagawa niya sa 'kin. Niyapos ako ng yakap ni mayor sa beywang. Dahan-dahan akong yumakap sa leeg niya habang sinasabayan ang galaw ng labi niya. Naririnig ko din ang mahinang daing ni mayor kaya ang malamig na pakiramdam ko sa tubig kanina ay napalitan ng mainit dahil sa magkadikit naming katawan ni mayor. Tumigil siya sa paghalik sa 'kin saka bumaba ang tingin niya sa dibdib ko na dikit na dikit sa dibdib niya. ''No bra? Binabaliw mo ba talaga ako?" Seryoso niyang tanong sa 'kin. Do'n ko lang yata naalala na wala pala akong suot na bra. Tinanggal ko kasi kanina dahil wala akong susuotin pauwi. "Kasi.. ano.." nauutal kong sabi at hindi masabi ang gusto kong sabihin sakanya. "It's okay, love. Akin naman yan eh. Kaya pwede kang hindi mag suot ng bra kapag kasama mo ako." Sabi niya saka dinampian ng halik ang labi ko. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi ko kaya napapadaing ako. Hindi niya tinigilan ang labi ko kakahalik, pakiramdam ko ay namamaga ang ibabang labi ko sa ginagawa niyang pagkagat sa labi ko na parang nanggigil. Ako naman ay tinutugon ang halik niya habang magkadikit parin ang katawan naming dalawa. Bakit parang nawawala ako sa sarili kapag kasama ko si mayor. Nakakalimutan ko na wala akong panahon sa mga ganitong bagay, pero pag siya nawawala ako. Tumigil lang kaming dalawa ng kapusin kami ng hininga. Hawak-hawak ni mayor ang kamay ko na parang inaalalayan ako. Pumunta kami sa hindi masyadong malalim na bahagi ng ilog saka ko niyakap ni mayor. Hindi ko siya magawang itulak dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya. May kakaiba akong nararamdaman sa t'wing magkadikit ang katawan namin or mahawakan lang niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD