Chapter 14

2105 Words
Chapter 14 DUMAAN AKO sa bahay ng ama ko para kamustahin ang pamangkin ko. Pagpasok ko palang ng bahay ay nakita ko na ang pangit kong kapatid na si Pokwang. Pero dahil good mood ako dahil sa babaeng mahal ko ay hindi ko muna aasarin ang kapatid ko. Pasipol-sipol akong naglakad palapit sa kanya at agad umupo sa katapat niyang upuan. Kitang-kita ko sa mukha ng kapatid ko ang pagtataka habang nakatitig sa 'kin. "Parang masaya ka yata ahh.." sabi ni Audrey. "Masaya talaga ako," sagot ko. "Ako din, masaya dahil may boyfriend na si Elizabeth. Ikaw naman kasi napakabagal mo." Sabi niya kaya napangiwi ako. Balak na naman yata akong asarin. "Talaga ba? Anong pangalan ng boyfriend niya?" Tanong ko na sinasakyan ang pang aasar niya sa 'kin. "Mico yata eh. Ang gwapong bata. Siguro ka-klase yun ni Eliza." Sabi niya. Kung hindi ko pa pinopormahan ngayon si Elizabeth ay baka naniwala na ako sa kapatid ko dahil sa seryoso niyang mukha. "Ahh.. akala ko Aivann Kym ang pangalan ng boyfriend niya," sagot ko kaya pinaningkitan ako ng mata ng kapatid ko. "Bakit parang pakiramdam ko ay binabakuran mo ang batang yun, kuya. Kaya ka siguro hindi umuuwi dito sa bahay." Sabi niya kaya napangiti ako. Gusto ko na talagang makasama si Elizabeth sa iisang bahay. Sa bahay lang talaga ako kapag nangyari yun, hindi na ako lalabas at sa kwarto lang kami magkukulong. "Kuya ha! Baka mabuntis mo si Eliza. Bata pa siya at may pangarap pa." Sabi ng kapatid ko. "Bakit? Hindi na ba pwedeng maabot ang pangarap kapag may asawa't anak na?" Tanong ko sa kanya kaya napa-isip naman ang kapatid ko. "Pwede naman. Naabot ko nga ang pangarap ko na magkaroon ng negosyo kahit may anak na ako eh. So, hindi pala hadlang kahit may anak, kuya. Kaya go! Mag anak na kayo!" Sabi niya kaya natawa ako. Ang bilis magbago ng isip. "Kamusta kayo ni Kaede?" Pag-iiba ko sa usapan. "Ayon.. pinapahirapan parin ni daddy." Sabi niya saka ngumuso. Pinapahirapan kasi ni daddy si Kaede. Matagal ko ng alam na siya ang ama ni Trie kahit pa nga ayaw sabihin ng kapatid ko. Gustong makasama ni Kaede ang mag-ina niya pero tumutol si daddy. Sinabi ko na nga na hayaan ang dalawa ngunit binato ako ni daddy ng walis kaya hindi na ako nakialam. "Hayaan mo na. Sigurado naman ako may dahilan si daddy. Papasaan ba't papayagan din kayong dalawa na magsama." Sagot ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko. "Yung pamangkin ko ang dinadalaw ko pero ikaw yung nakita ko. Nakaka bad mood pa naman ka pangitan mo." Pang aasar ko sa kapatid ko kaya agad niya akong binato ng tsinelas niya. "Lumayas ka na nga! Pumunta ka na do'n sa munisipyo. Madapa ka sana sa harap ni Elizabeth." Sabi pa niya kaya humalakhak ako ng tawa. Lumabas ako ng bahay habang katext si Elizabeth. May duty siya ngayon sa office ko kaya magkikita ulit kami. Balak ko sanang landiin siya maghapon pero naalala ko na hanggang alas 3 lang pala ang duty niya dahil may klase din pala siya. Pumasok ako ng kotse at agad binuhay ang makina ng sasakyan saka ko 'to pinausad. Masaya ako lalo na't magkatabi kami natulog ni Elizabeth sa loob ng kotse. Ang sakit ng likod ko pero baliwala yun lalo na't kasama ko ang babaeng mahal ko. Pasipol-sipol ako habang nagmamaneho papunta sa munisipyo. Ilang sandali pa ay nakarating ako sa harap ng munisipyo at agad na pinark ang sasakyan. Agad naging alerto ang mga body guards ng makarating ako. Lumapit pa sila sa kotse ko para pagbuksan ako ng pintuan. Pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yung sinusundan ako kahit saan magpunta. Kaya ang utos ko sakanila ay dito lang nila ako bantayan at asikasuhin. Kaya ako nag di-disguise kapag sinunsundan ko si Eliza dahil susundan din ako ng mga body guards ko. Bumaba ako ng kotse kaya yumukod sila sa 'kin. "Good morning po, mayor!" Bati sa 'kin ng lalaking nagbukas ng pintuan ng kotse. Tumango lang ako saka deri-deritsong naglakad papasok ng munisipyo. Nginitian ko lahat ng nakakasalubong ko hanggang sa makarating ako sa office ko. Nakita ko ang secretary ko na nag aayos ng table niya. Napadako ang tingin ko sa office table ni Eliza at nakitang nakapatong ang bag niya do'n. "Where's Elizabeth?" Tanong ko sa secretary ko. "Good morning po, mayor! Pinalinis ko po sa kanya ang opisina mo po, mayor." Magalang niyang sagot kaya tumango ako at dali-daling naglakad papunta sa pinto saka ko 'to binuksan. Nakita ko agad si Elizabeth na nakatuwad habang may pinupunasan sa cabinet. Agad nabuhay ang p*********i ko habang nakikita siyang ganun ang posisyon. Walang ingay kong nilock ang pinto saka ako dahan-dahang lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balakang niya saka ko ikiniskis ang p*********i ko sa pang upo niya. Dali-dali naman siyang tumayo saka tumingin sa 'kin. Kaya naman pala hindi niya ako narinig na pumasok dahil naka headset pala siya. Masama niya akong tinignan saka tinanggal ang suot niyang headset. "Kainis ka!" Sabi niya sa 'kin kaya natawa ako. "Akala ko kasi hinihintay mo ako kaya ka nakatuwad." Pilyo kong sabi habang hawak parin siya sa beywang. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa beywang niya pero hindi ako pumayag. Hinila ko siya papunta sa katawan ko at niyakap ng mahigpit. "Mayor.." sabi niya kaya inilayo ko konti ang katawan ko habang naka kunot ang noo. "Bakit mo ko tinatawag na mayor? Hindi ba't sinabi kong love ang itawag mo sa 'kin." Seryoso kong sabi saka pinisil ng mahina ang isa niyang dibdib. "Mayor.." saway na naman niya saka tinampal ang kamay ko. "Nandito tayo sa munisipyo kaya mayor ang itatawag ko sa'yo." Sabi niya sa 'kin. "Tayo lang naman dalawa ang nandito, love. Kaya pwede mo kong tawagin sa gusto ko." Sabi ko saka dinilaan ang pisngi niya. "Mayor naman eh.." sabi niya saka pinunasan ang laway ko na nasa pisngi niya. "Ihahatid kita sa school mamaya, love." Sabi ko saka niyakap siya ulit. "Wag na! Sasakay nalang ako ng jeep." She said. "Gusto kitang ihatid. Ayaw kong nakikipagsiksikan ka sa upuan ng jeep." I said while stroking her hair. Yumakap siya sa beywang ko saka tumingkad at dinampian ng halik ang labi ko. "Sanay na ako do'n. Kaya wag mo na akong ihatid, sabi ni ate Trish sa 'kin na may meeting ka daw mamaya." Nakangiti niyang sabi kaya nalukot ang mukha ko. Panahon na talaga para bumaba pagka mayor para maibigay ko ang oras ko sa babeng mahal ko. "Bakit naman ganyan itsura mo?" Tanong niya sa 'kin saka kinurot ng tungki ng ilong ko. "Ayaw mo kasing pumayag na ihatid. I just want to make sure of your safety, love." I said while staring at her. Matamis niya akong nginitian. "Hindi ba may tanong ka sa 'kin one week ago?" Tanong niya sa 'kin kaya kumunot ang noo ko dahil wala akong maalala. "Meron ba?" I asked her. "Oo, meron," sagot niya saka binuksan ang kamay niya at pinakita sa 'kin ang palad niya. Nakita kong may nakasulat do'n sa palad niya na yes. "Sige na, mayor. Lalabas na ako. Basta yan yung sagot ko sa tanong mo kapag naalala mo na." Sabi niya saka binaklas ang kamay ko na nasa beywang niya. Nakasunod lang ang tingin ko kay Elizabeth na palapit sa pinto ng opisina ko saka binuksan yun at tuluyang lumabas. Ako naman ay iniisip ang sinasabing tanong ko last week kay Elizabeth. Hinahalukay ko ang isip ko ng pumasok sa isipan ko ang tanong ko kay Elizabeth kung pwede ko siyang maging girlfriend. Napa awang ang labi ko at natatarantang naglakad papunta sa pinto para lumabas. Binuksan ko ang pintuan at nakita ang girlfriend ko na may inaayos na mga folder. Tumingin siya sa 'kin saka ngumiti. Damn! Nahulog yata puso ko sa ngiti niya. Ngumiti ako at sumenyas na pumasok siya sa opisina ng malukumos ko ng halik ang labi niya. Umiling siya saka binelatan ako. Tangina! Mamaya talaga sa 'kin ang dila niya. Sisip-ipin ko yun maghapon. Napakamot ako sa ulo ko saka ako pumasok ulit sa opisina ng makita ako ng secretary ko na nakangiti. Nginitian ba naman din ako kahit si Elizabeth naman ang nginingitian ko. Kinuha ko ang cellphone ko at agad nagtipa ng message para kay Elizabeth. Love, pasok ka muna dito sa office. Please.. I want to kiss you. Gets ko na ang sinabi mo. Wala ng bawian yan at ipapaayos ko na ang wedding gown mo. Sinend ko ang text ko kay Elizabeth. Agad akong naghanap ng pwedeng tumahi ng wedding gown niya. Kailangan ko na maghanda at maghanap ng wedding organizer. Napatigil lang ako sa pag s-scroll ng mag notif ang message ni Elizabeth. Anong wedding gown? Kasasagot ko pa lang sa'yo bilang boyfriend. Gusto mo na agad akong patahian ng wedding gown. Reply niya kaya natawa ako. Dapat pala ang tinanong ko sa kanya ay pakasalan ako. Wrong move talaga ako. Tangina! Kinukulit ko siyang pumasok sa opisina ngunit nag matigas siya. Tumayo ako sa swivel chair ko saka ako naglakad papunta sa pinto ng opisina ko. Lumabas ako at seryoso akong tumingin sa secretary ko. "Can you buy me some coffee? Gusto ko yung sa bagong bukas na coffee shop na malapit sa munisipyo." I said seriously. She nodded at me and smiled. "Sige po, mayor. Iuutos ko nalang po kay Eliza." She said. "No! Ikaw ang gusto kong bumili. May ipapagawa ako kay Elizabeth." Sabi ko saka ako tumingin sa gawi ni Eliza. "May ipapayos akong mga folder sa'yo." Sabi ko sa kanya kaya agad siyang tumango. Nauna akong pumasok sa opisina at hinintay na pumasok si Elizabeth. Nakasandal lang ako sa pader sa likod ng pintuan at nakitang pumasok si Eliza habang sinasara ang pinto. Agad ko siyang niyakap mula sa likuran at hinalikan ang balikat niya. "Mayor.." saway niya sa 'kin saka siya humarap. Inabot ko ang siradura ng pinto at nilock yun. Nilukumos ko ng halik ang labi ni Elizabeth na agad naman niyang tinugon. Damn! Labi palang niya pakiramdam ko ay nasa langit na ako. Kinagat ko ng mahina ang ibabang labi niya sa panggigil ko. Hindi ako nakapagtimpi ay binuhat ko siya saka inilagay ang dalawa niyang binti sa beywang ko. Naglakad ako papunta sa pang isahang upuan habang hindi pinuputol ang halik na pinagsaluhan namin. Umupo ako sa sofa habang nakakandong sa 'kin si Eliza. Siya ang unang pumutol sa halik na pinagsaluhan namin saka tumitig sa mukha ko. "Baka makita tayo, mayor." Sabi niya kaya pinatakan ko ng halik ang labi niya. "Hindi yan. Nakasara ang mga bintana, love. Kaya walang makakakita satin." Sagot ko. "Tayo na talaga, love?" Tanong ko dahil hindi parin ako makapaniwala. Tumango siya habang may ngiti sa labi. "Bilang boyfriend muna kaya wag kang excited dyan!" Sabi niya sabay irap sa 'kin. "Dapat pala ang tinanong ko ay kung pwede mo ako maging asawa." Paghihinayang kong sabi. "Baliw ka talaga!" Natatawa niyang sabi. "Baliw sa'yo." Sagot ko saka hinalikan ulit siya sa labi. Tinulak niya ako ng mahina sa dibdib kaya natigil ako sa paghalik sa labi niya. "Baka kumatok ang secretary mo," nakanguso niyang sabi. "Wala pa yun, love." Sagot ko saka pinisil ang isa niyang dibdib. "Magpakasal na tayo, love. Ako na magkakasal satin dalawa." Sabi ko kaya natawa siya ng mahina saka pinisil ng mahina ang isa kong pisngi. "Gusto kitang makatabi matulog mamaya, love. Sa kotse ulit tayo matulog." Malambing kong sabi sa kanya. Wala na akong pakialam kahit sumakit pa ang likod ko. Dinampian niya ng halik ang labi ko. "Sa tree house ako matutulog mamaya." She said with a smile on her face. "Baka magalit ang parents mo, love. Ayos na sa 'kin sa kotse basta makatabi lang kita." Sabi ko dahil iniisip ko din ang mama niya. "Wala si mama mamaya. Pinapasunod ni papa sa Manila. Pero one week lang si mama do'n." Sagot niya kaya natawa ako. "Ahh.. kaya pala sa tree house ka matutulog. Do'n ka nalang tumira kasama ako, love. Wag ka ng umuwi sa bahay niyo," sabi ko kaya pinalo niya ako ng mahina. "Heh! Ngayong gabi lang ako matutulog, bukas hindi na." Sagot niya kaya napanguso ako. "Hindi ba pwedeng one week ka do'n matulog?" Tanong ko sa malambing na boses. "Hindi pwede. Walang ta-tao sa bahay namin," sagot niya saka tumayo mula sa kandungan ko. Tumayo din ako saka hinawakan ang kamay niya at dinala sa labi ko at dinampian ang likod ng palad niya. Hindi talaga ako makapaniwala na kami na ni Elizabeth, pinapangarap ko lang dati, ngayon natupad na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD