Chapter 1

2078 Words
Chapter 1 INAAYOS KO ANG opisina ni mayor habang wala pa siya. Isang buwan narin simula ng mag umpisa ako mag ojt dito. Nong una kong duty dito ay lagi akong kinakabahan. Hindi ko nga alam kung bakit. Mababait naman ang mga tao dito pero talagang kinakabahan ako kapag nakikita ko si mayor. Makita pa nga lang siya kinakabahan na ako, pano pa kaya kapag kinakausap na niya ako. Minsan kasi ay inuutusan din ako ni mayor. Ayos lang naman sa 'kin dahil ang dami kong natututunan. Mabuti na nga lang mabait ang secretary ni mayor kaya tinuturuan niya ako palagi. Ito lagi ang duty ko t'wing umaga. Hindi ko alam kung bakit sa 'kin 'to pinapagawa ang paglilinis sa office ni mayor. Hindi nalang din ako nag reklamo dahil baka sabihin reklamador ako eh ojt lang naman ako. Kapag nandito si mayor ay lagi akong naiilang sa kanya. Pano ba naman kasi kung makatitig sa 'kin ay akala mo'y pangit ang damit ko. Minsan, sinasaway pa niya ako kapag nakikita niyang nag su-suot ako ng skirt. Hindi ko siya maintindihan pero sinunod ko parin. Mabuti nga at nakikipag usap na ako sa kanya na hindi nakayuko. Hindi talaga ako komportable sa titig niya dati hanggang sa na kasanayan ko nalang. Pinalibot ko ang aking tingin sa opisina ni mayor at nakitang malinis na. Ngumiti ako saka ako naglakad papunta sa pinto para sana lumabas. Pipihitin ko na sana ang siradura ng biglang bumukas ang pintuan kaya napa atras ako. Agad akong yumukod ng makita ko si mayor Aivann. "Good morning po, mayor!" Bati ko sa kanya saka ko itinaas ang ulo ko para tumingin kay mayor. Isinara naman niya ang pinto habang ang mga mata niya ay nakatitig sa 'kin. Napansin ko din na may hawak siyang paper bag na maliit. "Can you make me some coffee?" Tanong niya sa 'kin kaya agad akong tumango. "Ye po, mayor!" Magalang kong sagot. Agad akong naglakad papunta sa pinto saka ko 'to binuksan para lumabas. Mabilis ang galaw ko na lumapit sa maliit na pantry na nandito lang din sa floor ng office ni mayor. Agad akong nagtimpla ng kape. Alam ko narin ang gusto ni mayor sa kape niya. Gusto niya sa kape niya ay yung may cream pero no sugar. Gusto niya yung matapang parin ang black. Nang matimpla ko ang kape ni mayor ay agad akong naglakad pabalik sa opisina niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok sa loob. Naabutan ko pa si mayor na nakaupo sa swivel chair habang hinihilot ang sintido niya. Naglakad ako palapit sa kanya saka ko inilapag ang kape sa table. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin saka umayos ng upo. "Thank you, Elizabeth." Saad niya sa malalim na boses. Ngumiti ako kay mayor kahit pa nga kinakabahan ako. Ganito talaga pakiramdam ko sa t'wing nakikita ko siya. Pilit kong inaalis ang kaba ko para magawa ko ng tama ang trabaho ko. "Welcome po, mayor! Sige po, lalabas na po ako." Nakangiti kong sabi saka ako tumalikod sa kanya at nagsimulang naglakad. "Wait!" Bigla akong napatigil sa paghakbang ng marinig ko yun. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses saka ako humarap kay mayor. "Ano po yun, mayor?" Tanong ko habang may ngiti sa labi. Kinuha naman niya ang tasa na may lamang kape saka siya humigop. Bigla tuloy akong kinabahan at baka hindi niya magustuhan ang timpla ko. Inilapag niya ang tasa sa mesa saka tumingin sa 'kin. Hawak ng isang kamay niya ang paper bag na nakita ko kanina na hawak niya. "For you.." saad niya kaya kumunot ang noo ko. Naguguluhan man ay naglakad parin ako palapit sa kanya saka ko inabot ang paper bag. "Ano po 'to, mayor?" Tanong ko. "Books," tipid niyang tugon kaya agad kong tinignan ang laman ng paper bag. "P-Pero bakit mo naman po ako bibigyan ng mga novel, mayor?" Nagtataka kong tanong. "Advance gift ko para sa'yo. Sabi nila mahilig daw ang nga dalaga sa mga books kaya yan ang naisip kong bilhin." Sagot niya habang nakatitig sa 'kin. Hindi ako naka sagot, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. "Ahm, thank you po, mayor. Nag abala ka pa para po dito." Saad ko habang pilit na nakangiti. "Mukhang hindi mo nagustuhan ang regalo ko," saad niya kaya agad akong umiling. "Hindi po, mayor. Nagustuhan ko po." Sagot ko saka matamis siyang nginitian. Tumango naman siya. "Mahilig ka sa romance story?" Bigla niyang tanong sa 'kin. "Po? Ahh.. opo, mayor. Sigurado po mag e-enjoy po ako nito. Ang dami naman po nito." Saad ko na lamang. "Sabihan mo lang ako kapag natapos mo lahat basahin yan. Bibilhan kita ulit." Sabi ni mayor kaya nanlaki ang mga mata ko. ''Naku po, mayor! Wag na po! Nakakahiya naman po. Ayos na po 'to sa 'kin." Sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya. "Ayaw mo ba ng bagong books?" Tanong niya. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. "Ahm.. gusto naman po, mayor. Pero baka kasi hindi ko muna siya babasahin ngayon. Ang dami ko po kasing kailangan asikasuhin sa school. May reporting din po ako at mga assignments kaya baka sa susunod ko pa po mababasa ang mga 'to. Pero maraming salamat po dito, mayor." Mahaba kong sabi habang may ngiti sa labi. "Okay." Tipid niyang sagot saka humigop ulit ng kape. "Sige po, mayor. Labas na po ako." Pagpapaalam ko. Hindi naman siya sumagot kaya tumalikod na ako saka ako naglakad palapit sa pinto. Lumabas ako ng opisina kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang palad ko dahil init na init ako. Ang init na nga ng suot ko, ang init pa ni mayor este biglang uminit sa loob ng opisina ni mayor. Lumapit ako sa office table ng secretary ni mayor na ngayon ay nasa bakasyon. Kaya kinakabahan tuloy ako at baka magkamali ako. Inayos ko nalang ang table hanggang sa may dumating na tatlong lalaki. Dumating din ang mga bantay ni mayor kaya hinayaan ko nalang na mag usap sila sa loob ng opisina. Nagtimpla lang ako ng kape para sa bisita ni mayor saka ako lumabas agad. Mabuti na nga lang din at tinutulungan ako ni ma'am Cha sa pag aasikaso sa t'wing may pumupunta dito sa office ni mayor. Dumating ang 3pm at kailangan ko ng mag out sa ojt ko. May klase pa kasi ako mamayang 4:30pm kaya kailangan ko ng bumalik sa school. Nagpaalam lang ako kay ma'am Cha, hindi na ako nakapagpaalam pa kay mayor dahil may mga bisita na naman siya. Busy talaga palagi si mayor kaya minsan ay naaawa ako sa kanya. Kahit gabi yata ay hindi parin natatapos ang duty niya. Kung dati ay akala ko ay easy-easy lang siya na mayor pero hindi naman pala. Nakikita ko kasi ang pagmamahal niya sa bayan. Kaya siguro lagi siyang nanalo. Nang makalabas ako ay agad akong nag abang ng jeep. May oras pa naman ako kaya kakain muna ako do'n sa favorite kong spot sa t'wing wala akong klase. Sa harap kasi ng school namin ay madaming nagbebenta ng mga tuhog-tuhog katulad ng fishball, kikiam, squid ball, hotdog at kung ano-ano pa. May tambayan din kasi ako do'n sa t'wing kumakain ako. Kaya lagi kong sinasabi sa mga classmate ko na pupunta ako sa favorite spot ko. Sumakay ako ng jeep at agad kong inabot ang pamasahe ko. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone sa bag ko kaya agad ko 'tong kinuha. Binuksan ko 'to at nakita ang message ng pinsan kong lalaki. Napangiti ako habang nire-replayan ko si Peter. Dumating na kasi siya kasama ang mama niya sa bahay namin. Magbabakasyon kasi muna sila kaya excited akong umuwi mamaya. Nagpapalitan kami ng message ng pinsan kong lalaki hanggang sa huminto ang jeep na sinasakyan ko sa harap ng university. Agad akong bumaba saka ko ibinalik ang cellphone ko sa loob ng bag. Napangiti ako ng makita ko ang mga vendor na nagtitinda ng pagkain. May mga estudyante din na bumibili kaya agad akong lumapit. "Hi kuya!" Bati ko kay manong. Kilala naman na kasi ako nila manong dahil suki nila ako. "Oh ikaw pala, hija. Walang pasok?" Tanong sa 'kin ni manong. "Meron po. Pero mamaya pa pong 4:30PM." Sagot ko kay manong saka ako kumuha ng plastic cup at stick. "Tutuhog na po ako, manong." Pagpapaalam ko kaya tumango si manong. "Sige lang, kumuha ka lang." Saad ni manong. Sanay na sanay na sa 'kin si manong. Bilib nga ako sa kanya dahil napagtapos niya ang dalawa niyang anak dahil lang sa pagbebenta niya. Minsan nga ay nililibre ni manong ang mga estudyante na walang pera. Naaawa daw kasi siya, yun lang daw kasi ang maitutulong niya, ang magbigay ng libreng pagkain sa walang-wala. Tumuhog na ako ng fishball, kikiam at hotdog. Mamaya na ako kukuha ng squid ball kapag naubos ko na 'to. Pagkatapos ko dito ay isaw naman ang kakainin ko. Nilagyan ko ng hot sauce ang plastic cup saka ko tinuhog ang kikiam at inihapan 'to. Kahit mainit pa ay isinubo ko ang kikiam kaya panay tuloy ang buga ko ng hangin dahil sa init. "Ang takaw.." Bigla akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang boses na yun. Kilalang-kilala ko kasi yun. Halos mabilaukan ako ng makita ko si mayor Aivann sa likod ko. Naka suot siya ng sumbrero at sunglass. Naka suot pa talaga 'to ng itim na jacket. Magsasalita na sana ako ng mabilis niyang inilagay ang hintuturo niya sa labi niya na para bang pinapatahimik ako. Lumapit siya sa 'kin kaya nalunok ko ang kikiam na mainit na nasa bibig ko. Napaubo ako kaya bigla akong inabutan ni manong ng palamig. "Hinay-hinay lang, Eliza. Ikaw talagang bata ka." Sabi pa sa 'kin ni manong. Pilit akong ngumiti at agad na ininom ang palamig. Pati yata lalamunan ko ay napaso dahil sa kikiam. "A-Anong ginagawa mo dito, mayor?" Pabulong kong tanong sa kanya. Halata kasing nag di-disguise siya. Sa suot palang niya ay talagang hindi siya mahahalata na siya si mayor. Alam ng mga tao na ang mayor ay may highlight na silver sa buhok. Ngunit, hindi naman nila 'to mapapansin dahil nakasuot ng sumbrero si mayor. "Nagutom din ako eh." Sagot niya. Biglang inilapit niya ang mukha niya sa teynga ko kaya nanigas ang katawan ko. "Ipag tuhog mo din ako." Utos niya kaya napakurap-kurap ako. Lumayo siya ng konti sa 'kin kaya tumingin ako kay mayor. Ngumiti siya sa 'kin kaya bigla akong natauhan. Agad akong kumuha ng plastic cup at agad kumuha ng squid ball, kikiam at fish ball. Nilagyan ko na din ng sauce kahit hindi ko pa tinatanong si mayor kung mahilig ba siya sa maanghang. Inabot ko kay mayor yun habang hindi ako makatingin ng deritso sa kanya. Alam ko kasing sa likod ng suot niyang itim na sunglass ay nakatitig ang mga mata niya sa 'kin. "Magkano po saming dalawa, manong?" Biglang tanong ni mayor kay manong. Hindi ko alam kung paano ko tatawagin si mayor. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mayor baka magulat ang mga tao. Alangan namang itawag ko sa kanya ay hoy baka hindi na ako sikatan ng araw. Nag-isip ako ng pwede kong itawag kay mayor. Hanggang sa may pumasok sa isipan ko. "Kuya!" Tawag ko kay mayor sabay hawak sa suot niyang jacket. Lumingon naman siya sa 'kin kaya agad kong binitawan ang jacket niya. Nahihiya tuloy akong tumingin kay mayor. Bakit naman kasi ako humawak pa sa jacket eh. "Ahm.. ano po kasi.. ako nalang po magbabayad sa kinain ko po," paputol-putol kong sabi kay mayor. "Boyfriend mo, hija?" Sabat ni manong kaya muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway. "Hindi p—" "Yes po, manong." Biglang sagot ni mayor kaya naputol ang isasagot ko sana kaya manong. Nanlaki naman ang mata ko kaya agad akong tumingin kay manong. "Hindi po, manong. Hindi ko nga po kilala yan eh. Tsaka isa pa.. may boyfriend na po ako. Kapitbahay lang po namin. Alam niyo na, hindi matatapon ang sabaw kapag nagpalitan ng ulam dahil magkapitbahay lang kami." Mahaba kong sabi sabay kuha ng pera sa bulsa ko. "Ito po bayad ko, manong. Bye po!" Nagmamdali kong sabi sabay takbo papasok ng gate. Hindi ko alam ang pinagsasabi ko kanina. Piste talaga ako. Anong sabaw-sabaw pinagsasabi ko, mukha tuloy akong tanga. Kasalanan talaga 'to ni mayor eh. Kinakabahan tuloy ako sa next duty ko. Mabuti nalang at sabado bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD