Chapter 18
TAPOS NA ang klase namin kaya nagmamadali akong naglalakad para makalabas ako ng gate. Si mayor kasi ay hindi talaga umalis sa harap ng skwelahan at matyagang hinihintay ako.
Ang sabi niya ay may pupuntahan daw kami ngayon. Balak ko sanang umuwi sa bahay pero ang malanding mayor na yun ay ayaw na akong payagan umuwi.
Nakalabas ako ng gate at agad nakita ang sasakyan ni mayor. Napa-iling nalang ako dahil kung saan naka park ang kotse niya kanina ay do'n parin naka pwesto.
Lumapit ako sa kotse niya at agad binuksan ang pintuan ng passenger seat. Nakita ko agad ang nakangiting mukha ni mayor.
"Hi, love! I miss you and I love you." Bungad niya sa 'kin kaya napangiti ako. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya saka ko isinara ang pinto.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya saka ko dinampian ng halik ang labi niya. "I love you din," sagot ko kaya kinagat niya ang ibabang labi niya na parang pinipigilan ang kanyang ngiti.
"Damn! Tumigil yata paghinga ko." Sabi pa niya kaya natawa ako ng mahina saka ko nilukumos ng halik ang labi niya.
"Hindi ka talaga umalis dito?" Tanong ko sa kanya saka ko hinaplos ang kanyang pisngi.
"Hindi po. Sinabi ko naman sa'yo na hihintayin kita hanggang sa matapos ang klase mo," sagot niya saka binuhay ang makina ng kotse.
"Siraulo ka talaga, mayor. Hindi ka talaga pumunta ng munisipyo?" Tanong ko saka pinaningkitan siya ng mata ko.
Umiling siya saka inilapit ang mukha ko at kinantilan ng halik ang labi ko. "Gutom ka na ba?" Tanong niya saka umayos ng upo at pinausad ang sasakyan.
"Hindi pa naman," sagot ko habang nakatingin sa kanya.
"Baka magutom ang baby natin, love." Sabi niya sabay haplos sa tiyan ko. Pinalo ko yun ng mahina sabay irap sa kanya.
"Tumigil ka nga!" Saway ko.
"Love naman eh. Nangangarap lang naman ako," nakanguso niyang sabi.
"Ewan ko sa'yo. Nga pala.. saan pala tayo pupunta?" Pag iiba ko ng usapan.
"Sa bahay namin. Ipapakilala kita sa family ko." Sagot ko kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Ano? Nahihibang ka na ba? Teka.. baka hindi nila ako magustuhan, mayor." Natataranta kong sabi. Parang gusto ko ng bumaba sa sasakyan niya ng sabihin niya yun.
Tumawa lang siya pero ako hindi na mapakali. Hindi man lang niya sinabi sa 'kin eh 'di sana nakapag-ayos man lang ako. Dali-dali kong binuksan ang bag ko para ayusin ang mukha ko.
"Kainis ka, mayor! Pinapataranta mo talaga ako. Hindi mo man lang sinabi sa 'kin para naman makapag ready ako." Reklamo ko sa kanya habang naghahanap ng gagamitin sa loob ng bag ko.
"Love ano pa bang ihahanda mo? Eh ang ganda-ganda mo na. Wag kang masyadong mag paganda at baka mag amok ako kapag may lumingon sa'yo." Sabi niya habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin at sa daan.
"Mang uto ka pa. Hindi talaga ako matutulog sa tree house mo." Banta ko sa kanya dahil alam kong matatakot siya.
"Hindi naman talaga tayo sa tree house matutulog, love. Sa bahay tayo ni daddy muna magtutulog ngayong gabi." Sagot niya sa 'kin.
Napabuga ako ng hangin dahil napaka paladesisyon niya sa buhay.
"I love you, love." Malambing niyang sabi habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin.
"Ewan ko sa'yo. Dinadaan mo ko sa lambing," nakanguso kong sabi.
Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko. Nagtaka pa ako dahil iginilid niya ang sasakyan at inihinto.
"Bakit, love? Nasiraan ba kotse mo?" Kunot noo kong tanong.
"Hindi. Pero lalambingin muna kita para mawala ang inis mo sa 'kin." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
"Kasi naman eh.. dapat sinabi mo sa 'kin kanina." Reklamo kong sabi.
"Para ano? Para hindi ka pumayag. Mas maganda nga yung biglaan para mas excitong." sabi niya sabay pisil sa isa kong dibdib.
"Love!" Saway ko sa kanya saka ako nag lagay ng lipstick sa labi.
"Kagatin ko nalang labi mo, love. Kaysa sa maglagay ka ng lipstick." Sabi pa niya sa 'kin sa malanding boses.
"Wag ka ngang magulo." Saway ko dahil inaagaw niya ang hawak kong lipstick.
"Wag ka na kasing mag lipstick, love. Maganda ka na eh. Kahit wala kang makeup. Mas lalo ka ngang gumaganda kapag wala kang saplot kahit isa." Pilyo niyang sabi sabay kindat sa 'kin.
Napaka landi talaga niya.
Kinuha ko muna ang suklay na nasa bag ko saka ko sinuklayan ang mahaba kong buhok. Pinapanood lang ako ni mayor habang may ngiti sa labi.
"Ang ganda mo talaga, love." Sabi niya habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa 'kin.
Napangiti nalang tuloy ako at nawala ang inis ko. Itinigil ko ang pagsusuklay sa buhok ko saka ko inilapit ang mukha ko kay mayor. Hinalikan ko siya sa labi na agad naman niyang tinugon.
Mabagal lang ang ginagawa namin, hindi kami nagmamadali na para bang sinusulit ang oras. Nakahawak ako sa batok ni mayor at mas lalong pinailaliman ang halik na pinagsaluhan namin dalawa.
Hindi ko mapigilang hindi mapaungol sa loob ng bibig niya dahil ang sarap humalik ni mayor. Naghiwalay lang kami ng maramdaman namin na kinakapos na kami ng hininga. Huminga lang kami saglit saka ulit naghalikan.
Naaadik na din talaga ako sa labi ni mayor.
Ako na ang unang pumatol sa halik namin dalawa saka ngumiti sa kanya. Nakita kong may laway konti sa gilid ng labi niya at alam kong akin yun. Pinahid ko yun gamit ang daliri ko habang nakatitig lang sa 'kin si mayor.
"Kapag talaga nagkalaman ang tiyan mo, Elizabeth. Pasensyahan tayo, love. Magpapakasal ka talaga sa 'kin agad." Sabi niya kaya napangisi ako saka ko siya dinilaan sa pisngi.
"Oh, lumalaban ka na sa dilaan love ha!" Nakangisi niyang sabi.
Pinitik ko ng mahina ang matangos niyang ilong saka dinampinan ng halik ang labi niya. "Akala mo siguro ikaw lang marunong dumila." Sabi ko sa kanya.
"Sige nga.. kung marunong ka talaga, dilaan mo nga ang alaga ko." Pang uuto niya sa 'kin.
"Neknek mo! Hindi mo ko mauuto, mayor." Sagot ko sa kanya kaya natawa siya.
Pinausad na ni mayor ulit ang kotse habang ako ay tahimik na nakaupo sa passenger seat. Kinakabahan ako at baka sabihin ng ama ni mayor na ayaw niya sa 'kin para sa anak niya.
"Malapit na tayo, love." Sabi ni mayor kaya napa-ayos ako ng upo. Yung kaba ko kanina ay mas dumoble pa. Parang gusto ko nalang mag back out.
Nakarating kami sa malaking gate at automatic 'tong bumukas. Pinausad ni mayor ang sasakyan, ako naman ay namamanghang nakatingin sa malaking bahay.
"Ang ganda naman ng bahay niyo," sabi ko kay mayor na inihinto ang sasakyan.
"Bahay ni daddy, love. Hindi sa 'kin." Sagot niya saka mabilis na inilapit ang mukha niya sa 'kin at hinalikan ako.
"Ready?" Tanong niya.
Wala naman akong choice kundi tumango. Nandito na eh. Bahala na kung sigawan ako ng daddy ni mayor.
Bumaba si mayor sa kotse saka siya umikot papuntang passenger seat. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at agad na inalalayan makababa.
Pinagsiklop niya ang kamay namin dalawa saka niya dinala yun sa labi niya at dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Nagsimula na kaming maglakad sa apat na baitang na nasa harap ng bahay nila mayor.
Pinihit ni mayor ang siradura ng pinto saka niya 'to binuksan at agad na pumasok. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang ako ay namamangha habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
"Kuya!!"
Agad natuon ang atensyon ko sa babaeng naglalakad papunta sa'min ni mayor. Pamilyar kasi ang mukha niya sa 'kin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
Nakarating siya sa harap namin ni mayor at matamis niya akong nginitian. Biglang nawala ang kaba ko dahil sa babaeng 'to. "Hi, Elizabeth!" Bati niya sa 'kin na talagang kumaway pa sa harap ko.
Si mayor naman ay pumunta sa likuran ko at niyakap ako. Ang kamay niya ay nasa tiyan ko habang dinadampian niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Hindi ko talaga maiwasang kiligin kapag ganyan siya sa 'kin.
"Kilala mo po ako?" Gulat kong tanong sa magandang babae.
"Oo naman. Bukang bibig ka ng kuya kong napaka torpe.. ay mali pala, dati pala yun. Ngayon hindi na eh," natatawa niyang sabi. "Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong pa talaga niya sa 'kin.
"Ahm.. pamilyar po ang mukha mo pero hindi ko po alam kung saan po kita nakita." Pagsasabi ko ng totoo.
"Yung sa flower with chocolates," nakangiti niyang sabi kaya napa awang ang labi ko ng pumasok sa isipin ko ang alalang yun.
"Oo nga po pala. Ikaw nga po pala yun.." sagot ko habang nakangiti.
"Ako nga. Alam mo ba hindi pa bayad ang flowers na yun.." sabi niya sabay tingin kay mayor na nasa likuran ko.
"Audrey!" Saway ni mayor sa matalim na boses.
"Ay secret pala yun, Eliza. Kalimutan mo nalang yun na hindi pa bayad ang flowers na yun.." natatawa niyang sabi.
Hinila ako ng babae papunta sa kanya. Nadinig ko naman ang reklamo ni mayor dahil sa ginawa ng babae. "I'm Audrey, by the way. Half sister ako ng boyfriend mo." Pagpapakilala niya sa 'kin.
"Elizabeth po," pagpapakilala ko din sa kanya kahit na kilala naman niya ako.
"Masaya ako dahil dinala ka narin dito ni kuya." Nakangiting sabi ng kapatid ni mayor. Tumingin siya kay mayor kaya napatingin narin ako. Muntik akong matawa sa itsura niya na naka busangot.
"Kuya, hiramin ko muna si Eliza ha! Wala pa naman si daddy eh kaya mag chi-chika muna kami ni Elizabeth." Pagpapaalam ng kapatid ni mayor saka hinawakan ako sa braso.
"Baka kung ano-anong sabihin mo kay Eliza, Audrey." Seryosong sabi ni mayor na parang ayaw pumayag na hiramin ako ng kapatid niya.
"Hindi, kuya. Promise ko yun." Sagot naman ni ate Audrey saka tuluyan akong hinila.
Nagpatianod lang ako sa kanya na umakyat ng hagdan habang hawak-hawak parin ako sa braso. Hanggang sa nakarating kami sa harap ng terrace.
Pumasok kami ni ate Audrey at naglakad kami sa table na nando'n. "Halika, Eliza. Kwentuhan muna tayo." Sabi niya sabay hinugot ang upuan at sinenyasan akong umupo.
Umupo nalang ako at hinintay din siyang makaupo. Ngumiti siya sa 'kin sabay hawak sa kamay ko naka patong sa table. "Masaya talaga ako na kayo na ng kuya ko," sabi niya kaya napangiti ako.
"Mukha lang yung abnormal ang kapatid ko, Eliza. Pero I swear, mabait yun kahit pa nga lagi akong binu-bully." Nakanguso niyang sabi.
"Binu-bully ka po niya?" Tanong ko kay ate Audrey kaya mas lalo siyang ngumuso.
"Oo, araw-araw pa nga. Tsaka alam mo ba ang tawag niya sa 'kin ay pokwang. Napakasama talaga ng kuya ko pero promise mahal na mahal ka no'n." Sabi niya saka matamis akong nginitian.
"Ang ganda po ng pangalan mo ate pero bakit ka naman niya tinawag na pokwang?'' Natatawa kong tanong kay ate Audrey.
"True. Ang ganda ko pa. Ewan ko ba dyan sa boyfriend mo. Yan ang naisipan itawag sa 'kin." Irap na sabi ni ate.
Biglang may pumasok sa isipan ko na gustong-gusto ko talagang malaman kung totoo. Lumingon pa talaga ako sa likuran ko at baka biglang sumulpot si mayor. Nang makita kong wala naman ay tumingin ulit ako kay ate Audrey.
"Ate.. pwede po ba akong magtanong?" Tanong ko kaya tumango si ate Audrey.
"Oo naman basta wag lang tungkol sa math ha! Medyo 50/50 ako dyan eh. Ano ba yun?" Natatawa niyang sabi kaya natawa narin ako.
"Ahm.. love po ba ang palayaw ni mayor dito sa bahay niyo?" Seryoso kong tanong.
Kumunot naman ang noo ni ate Audrey na parang nalilito sa sinabi ko. "What do you mean?" Tanong pa niya.
"Ahm.. ano po kasi, ang sabi sa 'kin ni mayor ay ang palayaw daw po niya dito sa bahay niyo ay love." Deritso kong sabi.
Bigla namang tumawa ng malakas si ate Audrey na parang may nakakatawa sa sinasabi ko.
"Love talaga ang sinabi niya sa'yo, Eliza?" Tanong pa niya ng makabawi sa pagtawa.
Tumango ako. "Opo, yun daw po ang palayaw niya kaya love po ang tawag ko sa kanya." Pagsasabi ko ng totoo.
"Naku.. naisahan ka ng kuya ko." Natatawa niyang sabi kaya kumunot ang noo ko. Lagot talaga siya sa 'kin mamaya. Hinding-hindi yun makakatabi ng higa sa 'kin.