Chapter 21 NAKAUPO ako ng diretso habang kaharap ang mga magulang ni Elizabeth. Pakiramdam ko hindi ko sila masusuhulan ngayon sa pangangampanya ko sakanila. Nandito kami ni Elizabeth sa hapagkainan habang ang mama at papa ni Eliza ay nasa sala pa. Naramdaman kong siniko ako ni Eliza sa balikat kaya napalingon ako sa gawi niya. Pinandilatan niya ako ng mga mata niya at halatang hindi nagustuhan ang pangangampanya ko. "Seryoso ka ba talaga sa mga pinaggagawa mo, mayor?" Tanong niya sa mahinang boses. "Yes, I'm serious. Labas ka sa bahay niyo." Sabi ko habang seryosong nakatitig sa kanya. "Bakit? Anong meron sa labas?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. I didn't answer her question. I stood up from my seat and grabbed her hand. Tumayo siya at nagpatianod nalang ng hilain ko siya pa

