Axelle’s POV “Ahon na muna ako, medyo masakit na sa balat,” paalam ko sa kina Amber. “Sige, mamaya susunod kami,” saad ni Kiara. Umahon ako mula sa tubig. Sinubukan ko pang igala ang paningin sa paligid nagbabakasaling mahagip siyang muli ng mga mata ko ngunit wala talaga. Hindi ko tuloya mapigilang mag-overthink. Sana lang talaga coincidence lang na sabay silang nawala. D*mn you, Izzie! Inis kong mura sa kanya sa isipan. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa madama ng talampakan ko ang bahagyang init ng mga pinong buhangin. Tinungo ko ang pinaglagyan ko ng mga damit namin at huminto. Bahagya akong yumuko upang abutin ang dress kong nasa buhangin ngunit laking gulat ko ng inunahan ako ng isang Siberian husky. Natigil kami pareho. Napatingin ako sa aso habang kagat-kagat niya ang

