Axelle’s POV Sinakay niya ‘ko sa passenger seat ng sasakyan niya. Nagmamadaling umikot siya sa kabilang side, binuksan ang pinto ng driver seat at umupo. Pinaandar niya ang ssakyan. Nabahala ako ng makitang papasok ulit kami sa bahay na pinagdalhan niya sa ‘kin. “Uwi na ‘ko,” mahinang saad ko. Naramdaman kong napalingon siya sa ‘kin ngunit tuloy-tuloy lamang ang pagmaneho niya papasok ng gate. “Kahit sa bandang lang na may masakyan na ‘kong kahit ano.” Napayuko ako saka mabilis na pinunasan ang luha sa ‘pisngi ko. “Gusto ko lang makauwi. Kanina pa tumatawag sina Papa tiyak nag-aalala na sila sa ‘kin.” Pero hindi niya ‘ko pinakinggan. Hininto niya ang sasakyan at lumabas. Umikot siyang muli at binuksan ang pinto sa tapat ko. Akmang bubuhatin niya ‘ko ngunit pumalag ako. “Gusto ko na

