Ilang minuto pa ang nilagi ko bago ko nakumbinsi ang sarili kong huminto sa pakikinig. Pinikit ko ang mga mata at pinilig ang ulo. “You’re not normal anymore, Axelle!” Sita ko sa sarili sa isipan. Upang mapawi ang naramdaman kong init na nararamdaman ay naisipan ‘kong maglinis ng katawan kahit sobrang aga pa. Pumasok ako sa loob ng banyo. Tuluyang hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan saka tinapat ang sarili ko sa shower head. Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang maligamgam na tubig. Ngunit sa pagpikit ‘koy mga mata ni Kuya Izzie ang nakikita ko habang mariing nakatitig sa ‘kin, pababa sa hubad kong katawan. I saw something in those eyes while staring intently at me, tawagin na ‘kong ilusyonada ngunit nahuli ko ‘yung pagdaan ng pagnanasa sa mga matang iyon ngunit mas pinili n

