Axelle’s POV Pagkagising ‘ko kalaunan ay agad kong ininda ang p*******t ng buong katawan ko lalo na ang pinakagitnang bahagi nito. Nakadapa ako sa kama, nasa ilalim ang hubo’t hubad kong katawan sa makapal at malambot na puting comforter. Marahan kong nasapo ang gilid ng ulo habang dahan-dahang minulat ko ang mga mata. Hindi ako gumalaw habang pinasadahan ko ng tingin ang kwartong kinaroroonan ko, yun lang abot sa ‘king paningin. Medyo madilim ang paligid at ang tanging nagbibigay ilaw ay ang sumisilip na liwanag sa labas ng kwarto mula sa bintanang natatakpan ng kurtina. Mula sa kaliwa’y bahagya kong inangat ang ulo at binaling sa kanan, nanatiling nakadapa ang katawan ko sa kama. Wala na sa tabi ko si Izzie. Mag-isa na lang ako sa loob ng kwarto. Muli kong ginala ang paningin sa pal

