Axelle’s POV Nakalabas lang rin agad ng hospital si Mama kinabukasan. Matapos ang lahat ng lab test na ginawa sa kanya at makitang mabuti na ang kalagayan nito ay agad siyang pinauwi ng doctor. Masama ang loob ng lahat sa ‘kin, dama ko iyon sa bigat ng paligid sa loob ng bahay, pati puso ko kay bigat rin. Naghihintay lamang akong kausapin ni Papa o kaya ni Mama. Inaasahan kong pagagalitan nila ako, pangangaralan, palayasin, itakwil ngunit mas pinili nilang wag muna akong kausapin. Halos buong araw nasa kwarto lamang ako nakakulong, nahihiya akong bumaba, natatakot akong magpakita sa mga magulang ko dahil baka ako ang maging dahilan magkaroon sila ng karamdaman. Saka lamang ako bababa pag tinatawag na para kumain. Kahit sa hapag, sobrang tahimik, walang nais magsalita, tanging tun

