Allysandra’s P.O.V Hindi ako makagalaw. Parang bumalik na naman ako sa Allysandra na takot na takot sa mga tao. Na hindi maka-usap at parang palaging lutang. Kaya ayaw na ayaw kong magpapasok ng tao sa buhay ko, dahil ito ang kinakatakutan kong mangyari ang hindi ko mamalayang nagiging pabigat na pala ako sa tao, dahil sariling problema ko lang ang iniisip ko. I was just starting to get a glimpse of the bright side of my life. Nag-expect pa ako na tatagal ang kasiyahan ko ng 2 to 5 weeks, pero ilang oras pa lang ang lumipas, voila! Sad girl na naman ako sa tabi. “I’ll call you later… please don’t do this…” I heard Stefan ended the call at akmang lalabas ng kwarto, kaya nagmamadali kong pinulot ang mga pieces ng basong nabasag atsaka nagmadaling tumakbo sa likod ng cabinet, para hindi

