Third Person's P.O.V ILANG SANDALI LAMANG... "Sir!" tumatakbong pumasok si Stefan sa office at narinig naman siya agad ni Aly. Matapos niyang matamo ang sampal na galing kay Mr. Villaruel, nag-alala siya na baka ipagtanggol siya ng kaibigan niya sa trabaho at kung ano pa ang puwedeng mangyari. "Aly, are you okay?" Stefan asked her. Hinihingal pa ito nang lumapit sa kaibigan niya, dahil kapapasok niya lang for work at ang sampalan moment agad ang nasaksihan niya. Na-late ito ng ilang minuto, dahil marami pa siyang inasikaso sa buhay niya. Naramdaman ni Stefan na nag-vibrate ang phone niya na nasa bulsa, pero dinedma niya lamang 'yon. "Stefan, don't worry. I'm okay." Hindi naniniwala na okay lang si Alyssandra. Hinawakan ang parteng nasampal ni Aly bago hinarap si Juancho Villaruel. A

